9, 6 at 2 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - News -

Dear David,

NAIS kong malaman ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 27, 1986. Nagkahiwalay kaming magasawa pero pinagtig-isahan naming ang dalawa naming anak na lalaki. Sa ngayon, ay namamasukan ako bilang high speed sewer sa isang garment factory. Iniiwanan ko ang anak ko sa aking mga magulang. Bigyan mo sana ako ng teknik sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? May pagasa pa ba akong makaahon sa hirap? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa lotto.

ELIZA NG CEBU CITY

Dear Eliza,

NUMBER nine (9), six (6) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. May sapat kang lakas ng loob at tapang na suungin ang pinakamapanganib mang agos ng buhay. At ito rin mismo ang maghahatid sa iyo sa tagumpay. May malaki kang tiwala sa sarili mo at determinasyon dahil taglay mo ang mahiwagang No. 9. Pero, hindi dapat na sumobra ito dahil iyan din ang magdadala sa iyo sa kapahamakan at kabiguan. Marami kang magiging lihim na kaaway pero dadaigin mo sila at lalong makakatas ang iyong talino at kakayahan sa gitna ng maiigting na tunggalian. Buwenas ka sa negosyo na may mahihigpit na kumpitensiya kaya’t pumasok ka sa mga seasonal products tulad ng prutas o mga bagay na para sa espesyal na okasyon tulad ng Pasko, fiesta, Holy Week, tag-ulan at tag-araw o school opening at graduation rites. Ang No. 6 ang nagsasabi na masyado kang emosyonal kaya’t dapat mong makontrol ang simbuyo ng damdamin. Maaari mong magamit ang pakikipagrelasyon tungo sa iyong pag-unlad kaya’t paramihin mo ang iyong mga kaibigan sa altasosyedad lalo pa’t taglay mo rin ang mahiwagang No. 2. May isang kilalang tao sa inyong lugar ang mag-aalok sa iyo ng tulong na siyang magpapasimula ng malaking pagbabago sa buhay mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2019, 2021, 2023 at 2024 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng bagong kapartner sa buhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 17, 23, 25, at 30 lalo na’t natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay pula, berde at maroon ang buwenas mo. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 16, 23, 26, 34, 36, at 40.

5-6-2/7-82/1-2-9/3-5-6. Wiretips:37-8/8-9-1/2-5-1/3-4-7. Double digit: 5-8/1-5/85/3-6. Luzon guide: 3-6-1118-22-27-34-3640-42. VisMin: 2-5-11-18-23-26-3437-40-42. MegaLotto: 3-711-15-23-25-34-36-40-42. Four Number: 3-2-6-7/3-27-8/3-4-7-1/3-2-6-2.

ASSET tips:

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.