‘Hindi matatapos sa Victor Magtanggol ang career ni Alden!’‘’

'Hindi matatapos sa Victor Magtanggol ang career ni Alden!'

Bandera (Visayas) - - Front Page - BY CRISTY FERMIN

LA Ocean Deep kung tawagin ngayon ng marami ang isang dating bruskong male personality ng radyo at telebisyon.

Ang ibig sabihin nu’n ay laos, lipas na ang panahon, wala nang ningning ang bituin.

Dahil sa kawalan niya ng pagkakaabalahan ay napakahilig manghimasok ngayon ng male personality na ito sa buhay ng may buhay. Bigay siya nang bigay ng opinyon na kinokontra naman ng ating mga kababayan.

Sabi ng aming source, “Maupo na lang kasi siya sa silyang tumba-tumba, ‘no! Magpahinga na lang siya, manahimik na lang siya, dahil tapos na tapos na ang panahon niya!

“Kung nu’n, e, kinatatakutan ang mga sinasabi niya sa ere, kung nu’n, e, pinakikinggan pa ang mga opinyon niya, ngayon, e, waley na siya!” naiinis na komento ng aming chikadorang impormante.

Ganu’n nga siguro kapag wala nang ginagawa ang isang taong dati’y sanay na sanay magtrabaho, kahit ano na lang ay pinapansin niya, pinakikialaman niya.

“Napaka-active niya ngayon sa social media.

Kapag may napansin siya, uupakan na niya agad. Kung nu’n, e, mahalaga ang mga sinasabi niya tungkol sa kung anu-anong isyu, ngayon, e, wala nang naniniwala sa kanya.

“Kasi naman, nagpabaya rin siya sa magandang takbo ng career niya, may kaangasan ang taong ‘yun, maraming hinahanap, maraming inirereklamo! “Di nga ba, pati ang long time partner niya, e, nakalaban din niya? Naghahanap pa ba siya ng lugar ngayon, e, tapos na tapos na talaga ang panahon niya!

“Kundi siya nagmaangas nu’n, kundi nauna ang yabang niya, e, di sana, may lugar pa rin siya sa radyo at TV ngayon? Kaso, lahat na lang kasi, e , k inokontra niya! “Lahat, kinakalaban niya, kasi nga, ang feeling niya, e, siya na ang pinakamatalinong broadcaster sa balat ng lupa! Ano ang napala niya, e, di ang pagsuswimming sa La Ocean Deep!” madiin pang pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang radio-TV personality na ito.

❏❏❏

Hanggang sa November 16 na lang ang pinagbibidahang action serye ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Tumakbo lang nang three months o one season ang palabas.

Dahil sa maigsing panahon ng serye ay inuupakan ngayon ang binatang aktor, iniinsulto siya, ‘yun daw ba ang seryeng sumumpa nu’n na magpapadapa sa Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Sino raw ngayon ang nakatakda nang sumuko? Namamayagpag pa rin

pinipilit na siyang magbitiw nu’n ng mga salitang pagsisimulan ng intriga sa pagitan nila ni Coco ay umiwas si Alden. Marunong siyang rumespeto.

Ang kabaitan ni Alden ay likas, hindi pakitang-tao lang, naturalesa na talaga ni Alden ang pagiging mapagkumbaba.

Magpaalam man ang kanyang serye ay hindi pa rin siya matatawag na talunan.

Ang maipangtapat ng kanyang network sa isang tulad ni Coco Martin na tatlong taon nang bumibida sa matagumpay nitong serye ay isang malaking karangalan na.

Hindi nagwawakas ang popularidad ni Alden Richards sa pamamaalam sa himpapawid ng kanyang serye. Marami pang nakalaan para sa

kanya.

COCO MARTIN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.