‘Drug group nasa likod ng pag-atake sa pulis’

Bandera (Visayas) - - Front Page -

PINAG-IINGAT ni Philippine National Police chief Director Gen. Oscar Albayalde ang kanyang mga tauhan laban sa bwelta ng mga sindikato ng droga kasunod ng sunod-sunod na pagpatay sa ilang opisyal ng pulisya.

Sa panayam, sinabi ni Albayalde na may kaugnayan sa iligal na droga ang pag-atake sa ilang mga pulis sa nakalipas na mga araw.

Noong Huwebes ng gabi ay tinambangan ng ridingin-tandem si Supt. Edgar Cariaso sa Caliraya st., sa Brgy. Tatalon, Quezon City.

Bagaman naka-assign na sa Internal Affairs Service (IAS), si Cariaso ay dating nakasama sa mga anti-illegal drug operations.

Ang IAS ang nagiimbestiga sa kaso ng ilang police scalawags.

Noong Miyerkules ng gabi ay pinagbabaril hanggang sa mapatay sa V. Luna st., sa QC pa rin, si P03 Rufino Gabis.

Droga rin ang dahilan ng pagpatay sa nasabing pulis ayon kay Albayalde.

Aminado naman ang opisyal na mayroong mga pulis na sangkot sa iligal na droga at ito umano ang hinahanapan nila ng solusyon sa kasalukuyan.

Kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan niya ng pabuya ang mga pulis na makakapatay ng kanilang mga kapwa alagad ng batas na sangkot sa iligal na droga. — Radyo Inquirer SA Nobyembre 27 magiging epektibo ang aprubadong P25 dagdag sa minimum na sweldo ng mga manggagawa sa National Capital Region.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang minimum wage increase ay ibibigay 15 araw matapos ang publication ng approval ng National Wages and Productivity Commission.

Sa tingin ni Bello ay bukas pa maaaksyunan ang umento kaya makalipas ang 15 araw ay saka pa lang ito epektibo.

Noong Nobyembre 5 nang maaprubahan ang P25 minimum wage hike.

Dahil dito, tataas na ang minimum na sweldo ng NCR worker sa P537 mula P500. — Radyo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.