Kagawad patay sa barilan

Bandera (Visayas) - - News -

NAPATAY ng mga pulis ang isang barangay kagawad ng Alimodian, Iloilo, Biyernes ng hapon, matapos niya umanong barilin at masugatan ang isang alagad ng batas.

Napatay si Ritchel Misare, kagawad ng Brgy. Pianda-an, nang manlaban sa mga pulis na tumugis sa kanya, ani Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.

Bago ito, dakong alas-2 ng hapon, binaril ni Misare si PO3 Jonathan Guzman sa naturang barangay, ani Malong.

Nagsagawa si Guzman ng surveillance operation laban sa kagawad at nang pabalik na sa istasyon ay pinaputukan ng huli at tinamaan sa kaliwang hita, aniya.

Dahil dito ay nagpakalat ng tauhan ang Alimodian Police, Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion, at iba pang police unit para hanapin ang suspek.

Natunton si Misare sa Brgy. Pianda-an East, naa bahagi ng katabing bayan ng Maasin, ngunit nang makita niya ang mga pulis ay bigla siyang bumunot ng baril at nagpaputok, ani Malong.

Narekober sa suspek ang isang kalibre-.9mm pistola na may tatlo pang bala, habang nakuha sa pinangyarihan ang isang kal.-.9mm basyo at dalawang basyo ng M16 rifle. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.