OPINYON KO ‘TO

Bandera (Visayas) - - News -

Naniniwala akong makukulong siya tapos magkakasakit tapos naka hospital arrest na buong magdamag. Ang tanong lang is kung anong sakit ang fall back nila .... 6178

Sa dami ng pera ng mga Marcoses good luck kung makulong siya. Sasalagin yan ng mga lawyers nya, papatagalin ang kaso at kung ano pang hocus pocus hanggang mawala ang public interest. Tapos magugulat na lang tayo tatakbo na lang siya uli. —Arnel Libayon, San Roque, Zamboanga City .... 8317

A vast majority would say no. Pero may posibilidad pa rin kagaya ng nangyari kina Revilla at Jinggoy. Peromukhang malakas sila sa admin kaya baka hihirit lang yan ng pabor at mapapalaya din .... 2781

Makukulong. Dapat lang managot siya sa kanyangmga kasalanan sa bayan. Ewan ko ba bakit binoboto pa yan alam na ngang may bahid ng corruption. It’s time for change in the government. Start with jailing corrupt officials. —Francis Renato, 36, Quezon City .... 8144

I still believe in the justice system of the Philippines. I pray na mangyari ang tama at makulong ang mga may sala. —Trisha Mae,29,Pampanga .... 5791

Masaya ang mga tao na nakasuhan na yan pero makulong? Baka pumiti na ang buhok ko sa ulo bago pa mangyari yun. I’m guessing delaying tactics hanggang sa makalimutan ng lahat yangkasona yan .... 3911

Ano naman kayang sakit ang idadahilan pag nakulong na? Sobrang exciting ang mystery na yun. I wanna know hahaha. Salamat Bandera .... 6291

Kong ako ke Imelda eh mangheram na siya ng neck brace ni Gloria. May magic powers yun at mapapalaya din siya. O kaya isip siya bago gimik para di makulong .... 5691

I still believe justice will prevail in our country. I pray everyday that those who are in the wrong and corrupt will be dealt with to the highest extent of the LAW. Thanks Bandera .... 7167

Marami pang pwedeng mangyari. Maniniwala lang ako pag nakita ko nang nasa kolongan yang si Imelda. Pero sa ngayon hindi ako naniniwala na makukolong siya dahil makapangyarihan pa din sila at may pera. —Jonas Roque, 52, CDO .... 9761

Yup makukulong siya. Pero ala five star ang kanyang kulungan. Aircon and all. Masasarap na pagkain, baka payagan pang may cellphone. Tapos lalabas labas tuwing may okasyon tulad ng Pasko, birthday, kasal o ano pa man. Pag mayaman ka, ganyan ang buhay kulong mo .... 3768

Sana sa pag-dating ng eleksyon na ito ay maging isang biyaya ito sa atin at hindi maging balakid. Sana ang mga susunod na mauupo ay maisip naman tayong mga mamamayan. Sana yung mga pangako nila ay magawa nila. Sana. Yan ang hiling ko. Salamat Bandera! .... 6195

Politicians should not be addicts. Dapat talagang may drug test laban sa mga tatakbong mga addict. Dahil kung sila mismo lulong sa droga paano nila lalabanan ito? Baka sila pa ang maging protektor nito kung sakali. Kung ang kapulisan pinag iigting ang laban kontra droga sa kanilang hanay, ganun din dapat sa iba

pang ahensya ng gobyerno .... 2577

Nanatiling isang malaking problema sa bansa ang pagkakaroon ng mga politicians na may sariling agenda. Sa pagdating ng eleksyon sana piliin na ng mga Pilipino ang karapat dapat. Yung mga may magagawa para sa bayan at huwag basta maniwala sa mga panandaliang mga pangako na puro hangin lamang. I thank you. —Justin Sermio, 27, Makati City ..... 2611

I believe na tama lang na obligahin ang mga kandidato sa drug testing. Wala namang problema kung gagawin ito. Makakatulong pa sa kampanya nila....3699

Kung pati ang mga tatakbo sana pati mga pulis mula sa pinakamataas at pinakamababang ranggo. Sila din ay dapat i-check kung may mga adik sa kanilang hanay. —Bernardo Amorado, Cebu City .... 8169

Grabe pala itong mga pulis na to. Kaugalian pala nila ang mangrape ng mga hinuhuli

pag kunsunada nila? Nakakadiri sila. Sila pa naman ang dapat mag protekta sa batas tapos sila pa ang mauunang mag suway nito? Hindi dapat sila ang nag totokhan. Dapat sila ang tinotokhang .... 7557

I can’t help but blame the government, especially the president kung paano nagiging sobrang bastos at rapist ng mga pulis. Paano kasi pinapakita ng presidente yung kabastosan nya ng live na live sa buong nation. Tapos pangako pa nya na protek nya ang mga pulis. Kaya ang mga ungas feeling nila kahit anong gawin nila makakalusot. Dahil unang una takot na ang mamamayan sa mga pulis. Ngayon katumbas na ng death sentence pag nahuli ka ng butis. Wala tayong hustisya dahil ang mismong mga nagpapatupad ng hustisya ay baliko. –Norman Francisco,Quezon City .... 6155 All rights reserved.

Except as permitted by law, no part of Bandera may be reproduced or distributed in any form or by any means stored in a database or retrieval system without its prior written permission.

Manila office: MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City, Metro Manila • Mindanao Advertising & Circulation Office: Door-1, Mandaya Arcade, Palma Gil St., Davao City

Tel. No: (082) 327-0583

Editorial: (02) 895-7513 • (02) 895-7529 • newscolumn@bandera.ph Advertising: (02) 895-1510 •(02) 895-1467 • telefax: (02) 897-3663 Circulation office: Unit F202 Velco Centre Bldg., A.C. Delgado cor. R.S. Oca Sts., South Harbour, Manila • (02) 523-5570 • (02) 516-2113 Subscription Hotline: (02) 890-2351

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.