CHRISTIAN INGGIT NA INGGIT KAY TONY, GUSTO RING MAKALAPLAPAN SI ANGEL: SANA THREESOME KAMI!

Bandera (Visayas) - - Front Page - BY REGGEE BONOAN

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gustong gumanap na suicide bomber sa isang pelikula ni Christian Bables.

Ito raw ang isa sa mga dream role ng aktor simula pa noong pumasok siya sa showbiz.

Gusto raw niyang ipakita sa mga manonood kung paano nakakaya ng isang suicide bomber na ialay ang buhay niya para sa kanilang ipinaglalaban.

“Feeling ko kasi ang daming emotions na kailangan kapag suicide bomber ka, kasi kung iisipin ang dami niyang pinagdadaanan at kung bakit sila pumapayag. Kaya mga ganu’n ang gusto kong pag-aralan,” pahayag ni Christian nang makausap namin sa presscon ng bago niyang pelikula under Regal Entertainment, ang “Recipe For Love”.

Kapag sinabing suicide bomber, ibig sabihin ay dumaraan sa depresyon ang taong ito kaya ang tanong namin sa aktor ay kung nakaranas na siya.

Sagot ni Christian, “Oo naman. Lahat naman siguro tayo nakakaramdam ANGEL AQUINO

niyan, lahat ng tao nalulungkot iba-iba lang ang dahilan.”

Mabuti hindi niya naisip na tapusin ang buhay niya kapag nade-depress, “Hindi, matatag ang kapit ko kay God at support system ko, sobrang okay.” Hiningan namin ang aktor kung ano ang puwede niyang ipayo sa mga taong nakararanas ngayon ng depresyon, lalo na sa mga kabataan. “Gusto kong sabihin na it’s okay na not to be okay. If you feel lonely or blue, it’s okay, embrace it, just be aware na hindi lahat kakayanin mo by yourself kaya nandiyan si God.

“Kasi lahat ng hindi mo kaya, siya (God) ang magke-carry for you. So you’ll be fine, you’ll be safe, just trust him,” seryosong sabi ng aktor.

Bukod sa pagiging suicide bomber ay type rin ni Christian na gumanap na lover ni Angel Aquino dahil super-duper crush daw niya ang aktres kahit noong hindi pa siya nagaartista.

Kaya nga inggit na inggit TONY LABRUSCA

siya kay Tony Labrusca na siyang leading man ngayon ni Angel sa digital movie na “Glorious” na mapapanood na sa IWant sa Nob. 17.

“Oo, inggit na inggit ako kay Tony Labrusca. Gusto kong makisali sa ‘Glorious,’ threesome kami. Ha-hahaha! Joke lang, joke lang,” tumatawang banggit ng aktor.

“Gusto ko ring gumawa ng ganu’ng scene. Gusto kong makatrabaho si Ms. Angel Aquino sa ganu’ng role. Noon ko pa siya naiisip. Kaya nu’ng napanood ko ‘yung trailer ng ‘Glorious,’ sabi ko, ‘sayangsayang’, pero ang galing ni Tony Labrusca.

“Napanood ko ‘yung trailer, grabe siguro 10 beses kong inulit, ang galing nito ah! Ganito pala ‘yun. Magaling silang dalawa. And I’m excited to watch their movie,” masayang sabi ni Christian.

Mapapanood na ang “Recipe For Love” sa Nob. 21 nationwide mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Makakatambal ni Christian dito ang seksing model at dating PBB housemate na si Cora Waddell.

Kasama rin sa pelikula sina Sophie Albert at Enrico Cuenca mula sa Regal Films.

CHRISTIAN BABLES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.