1 at 2 ang mahiwaga

Bandera (Visayas) - - Front Page -

Dear David,

NAIS kong malaman din ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Nasisante ako sa trabaho nang masabit ako sa intriga kahit wala akong kasalanan. Hindi na ako kumibo at tinanggap ko ang separation pay. Nagtayo ako ng apat na units ng computer rentals at ito ngayon ang aking ikinabubuhay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? August 19, 1989 ang birthday ko. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto. DANIEL NG ILIGAN CITY

Dear Daniel,

NUMBER one (1) at two (2) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Sun at Moon ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Madalas kang makaramdam ng kakaibang lungkot. Nagsisilbi kasing multo ang mga nagdaang kabiguan. Dapat mo nang kalimutan ang mga negatibong pangyayari at buong tapang na harapin ang panibagong yugto ng buhay. Sa totoo lang, maraming magagandang bagay ang nararanasan mo pero hindi mo ito naaappreciate kaya’t naaaksaya ang magagandang oportunidad sa pag-unlad. Pero, isang puso na lihim na nagmamahal sa iyo ang magkukusa na tulungan kang makaahon sa hirap. Isang kilalang tao rin ang mag-aalok sa iyo ng puhunan upang makapagnegosyo na magpapasimula ng iyong pagangat sa buhay. Walang duda na mapapaunlad at magkakaroon pa ng sangay ang iyong computer shop. Magaganap ito sa taong ito, 2021 at 2024 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 13, 16, 24, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Lunes. Kulay dilaw at berde ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 1 at No. 2 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-18-23-30-36-4042.

ASSET tips: 4-7-1/5-72/7-2-5. Wiretips: 3-6-7/1-4-7/ 8-2-5. Double digit: 6-8/1-5/76. Luzon guide: 3-7-11-18-2327-34-36-40-42. VisMin: 3-611-18-23-27-34-36-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-2534-367-40-42. Grand Lotto: 1-6-11-18-23-24-34-36-40-4750-54. Four Number: 3-2-57/8-2-1-3/7-2-1-2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.