Lola nabola, pinagtanim ng marijuana

Bandera - - Front Page - Leifbilly Begas mula sa ulat ng AP

PENNSYLVANIA, USA— Isang 67- anyos na babae ang naloko umano kaya nagtanim ng marijuana sa kanyang garden.

Mariing itinanggi ni Alberta Kelley na siya ay isang marijuana grower kundi isa lamang umanong babae na mahilig magtanim.

Si Kelley ay sinampahan ng kasong drug possession a n d manu f a c t u r e p e ro pinawalang- sala siya ng jury na naniniwala sa kanyang pahayag.

Nakatanggap ang pulisya ng tip kaugnay ng mga tanim na marijuana kaya sinalakay nila ang bahay ni Kelley at kinumpiska ang mga marijuana noong nakaraang taon.

Ang mga marijuana ay nakatanim kasama ng mga kamatis. Ang mga nakumpiskang marijuana ay matataba umano at may taas na apat na talampakan.

Ayon kay Kelley isang lalaki ang dumaan sa kanilang lugar at hinagisan siya ng mga buto. Sinabihan siya ng lalaki na maganda ang bulaklak ng naturang flower seed kaya itinanim niya ito.

Sa Ephrata, Pennsylvania ay naaresto naman ang isang lalaki matapos niyang tang kaing palabasin na psychedelic plant, isang halaman na ang epekto sa tao ay katulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, ang ibinebenta niyang mushroom.

Si Jayson Hartman ay bumili ng shiitake at porcini mushrooms sa grocery ginayat ito upang magmukhang psychedelic variety.

Mayroon umanong nakausap si Hartman sa Facebook na handang bayaran ang psychedelic mushroom.

Pero naunsyami ang plano ni Hartman dahil mayroong tumawag sa pulisya habang hinihintay niya ang kanyang buyer.

Kahina-hinala umano kasi ang p a g k a k a p a r a d a ng sasakyan ni Hartman kaya itinawag ito sa pulis.

Umamin si Hartman na ginayat lamang niya ang mga mushrooms at narekober din ng pulisya ang resibo na katunayan ng kanyang binili sa grocery. Siya ay makalalaya kung makakapaglagak ng $ 40,000 piyansa. — PINAWALANG- sala ng Parañaque Regional Trial Court ang aktor na si

at ang kasama nitong pulis sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Ayon kay Judge Raul de Leon, hindi napatunayan ng prosekusyon na nagkasala sina Regala ( John Paul Guido Boucher Scherrer sa tunay na buhay) at PO1 Jose Ogbac Jr. ng National Capital Regional Police.

"The intent to possess, which is necessary to warrant conviction in gun possession was not established," ani de Leon.

Base sa rekord ng pulis, inaresto sina Regala at Ogbac noong Abril 1993 dahil sa pagdadala ng isang M16 rifle at dalawang banana-type na magazine na may 56 bala.

JOHN Regala

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.