Brgy. chair, 4 pa patay sa raid

Bandera - - Front Page - Ni John Roson

NASAWI ang barangay chairman at apat niyang kasamahan habang sugatan ang isang pulis nang magbarilan sa isang raid sa Arayat, Pampanga, Sabado ng umaga.

Nasawi si Melvin Guevarra, chairman ng Brgy. Cupang; Aldrin Luriz; Fermin Bato; Jack Pineda, at isang di pa kilalang lalaki, ayon kay Chief Supt. Aaron Aquino, direktor ng Central Luzon regional police.

Sugatan naman si PO3 Raffy Tacdiran, ng Special Weapons and Tactics (SWAT) unit ng Pampanga provincial police.

Naganap ang insidente alas-2 sa Brgy. Cupang.

Magsisilbi ng search warrant doon ang iba-ibang unit ng Pampanga provincial police at Arayat Police nang paputukan ng grupo ni Guevarra, ani Aquino.

Inisyu ng Regional Trial Court sa Gapan City ang warrant para sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, aniya.

Nang tamaan si Tacdiran ay gumanti ang mga operatiba, hanggang sa tamaan din ang limang suspek.

Isinugod sila sa Laquios District Hospital, pero idineklarang patay, ani Aquino. WALANG pagsidlan ng tuwa si Sen. Leila de Lima sa hirit ng European Parliament na siya ay palayain at rebisahin ang gera kontra-droga ni Pangulong Duterte.

“Going over the transcripts of statements during the European Parliament Plenary Session relative to my case has tremendously lifted my spirits,” ani de Lima sa sulat na ipinadala sa mga mamamahayag.

“These [parliamentarians] are learned men and women from various parts of the con-

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang M4 “baby” Armalite rifle, dalawang kalibre-.45 pistola, isang kalibre.38 revolver, at dalawang magazine ng Armalite.

Isinagawa ang raid isang buwan lang matapos ang isa pang raid kontra baril, na nauwi rin sa engkuwentro, sa tinent believing in my innocence and championing the causes of truth and justice for the 7,000 plus Filipinos who are victims thus far of the statesanctioned, state-inspired EJKs,” dagdag niya.

Matatandaang sinabi ng European Parliament na dapat palayain si de Lima dahil “politically motivated” umano ang pagkakapiit dito.

Isa ang senadora sa mga tumutuligsa sa gera ni Duterte kontra droga at sa nagaganap na umano’y extrajudicial killing mula nang maupo ang huli bilang Pangulo. Brgy. Cacutud, doon din sa Arayat, noong Pebrero 16.

Nadakip sa unang raid sina dating Arayat Mayor Luis Espino, Brgy. Cacutud chairman Rosendo Dizon, at tatlo pa katao, habang nasamsam ang sari-saring baril at iligal na droga, ayon sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.