Babae tinumba sa harap ng kapilya

Bandera - - Front Page -

BINARIL at napatay ang isang babae sa tapat ng kapilya sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ang dinakilalang biktima. Wala na itong buhay nang datnan ng mga naalertong residente, ayon sa pulisya.

Bago nakita ang katawan ng biktims sa panulukan ng C3 at Kabatuan st., Brgy. San Jose, Quezon City alas-11 ay nakarinig ng sunod-sunod na putok ang mga residente.

Ayon kay Rolando Hubahib, tanod ng Brgy. San Jose, nakita rin ng ilang tambay sa lugar na angkas ng motorsiklo ang biktima bago ito pinababa ng driver saka binaril.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

Samantala, isa umanong miyembro ng “Bulabog Boys” na sangkot sa serye ng holdapan at pagtutulak ng bawal na gamot ang napatay sa Oplan Sita ng mga pulis sa Bagong Silang, Caloocan kamakalawa rin ng gabi.

Nasawi si alyas Ipoy bunsod ng mga tama ng bala sa katawan. Nakatakas naman ang kasama nito.

Nagsasagawa ng Oplan Sita sa tapat ng Silangan Elementary School ang mga pulis nang mamataan ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Sisitahan sana ng mga otoridad ang mga suspek ngunit biglang nagpaputok ang isa sa mga ito at nakipaghabulan pa sa mga operatiba.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa pagkamatay ni Ipoy, na nakuhanan pa ng ilang sachet ng shabu at isang kalibre .45 pistola. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.