9 dakip sa drug den

Bandera - - Front Page -

NADAKIP ng mga otoridad ang siyam katao at nasamsam ang di pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu nang salakayin ang isa umanong drug den sa Pikit, North Cotabato.

Pinaniniwalaang may mga nasugatan pa na ibang target ng raid nang makabarilan rin ng mga operatiba.

Isinagawa ng mga pulis, tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, at Army ang operasyon sa Brgy. Dalingaoen, sabi ni Supt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police.

Walong search warrants ang ipinatupad doon, para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, aniya.

Nadakip ng mga operatiba ang isa sa dalawang “high-value target” (HVT) sa lugar, na nakilala bilang si Mangiging Pandian, pati na walong hinihinalang empleyado ng drug den.

Nasamsam naman ang isang “bulto” na sachet, limang “sako” na sachet, at ilan pang maliit na sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre-.45 pistola, apat na motorsiklong pinaniniwalang ninakaw, at di bababa sa P28,000 cash.

Dakong alas-10 ng gabi Biyernes, nakabarilan ng mga miyembro ng Army 7th Infantry Battalion na nakabantay sa paligid ng target area ang dalawang tumatakas na target ng raid.

Tumakas ang dalawa lulan ng isang motorsiklo, na di naglaon ay kanilang inabandona at natagpuan ng mga otoridad.

Pinaniniwalaang sugatan ang dalawa dahil nakatagpo ng mga patak ng dugo sa motor, ani Galgo.

Nagpakalat na ng mga operatiba para hanapin ang dalawa sa kalapit na Brgy. Inugug. — sa likod si Jessa Villarete, 21, micro- finance officer ng ASA Philippines Foundation at residente ng Camarines Sur, ani Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Naganap ang insidente alas-12:40 Biyernes ng tanghali, habang nagmomotorsiklo sina Villarete at kapwa niya kolektor ng ASA Philippines na si Jonnel Loma, sa Brgy. Villa Alvares.

Kakokolekta lang noon ng dalawa ng pera mula sa mga kliyente, nang harangin at parahin ng dalawang lalaki.

Pinababa ng dalawa sina Villarete at Loma, pero nang makaramdam ng panganib ay pinaharurot ng huli ang motor.

Doon na bumunot ng baril ang mga nangharang at pinaputukan sina Villarete at Loma.

Isinugod si Villarete sa Balud Municipal Hospital, pero nilipat sa Masbates Doctor Hospital sa Masbate City para sa karagdagang lunas. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.