Droga, armas samsam sa Cebu jail raid

Bandera - - Front Page -

LIMANG gramo ng shabu, siyam na cellphone at mga patalim ang nakumpiska sa raid ng mga otoridad sa Cebu City jail kahapon ng madaling araw.

Isinagawa ang Operation Greyhound ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas ( PDEA- 7) sa hiling ng pulisya.

“There were reports that illegal drugs continue to be brought in inside the jail. And so we conducted an operation,” ani PDEA- 7 Director Yogi Ruiz.

Isinagawa ang surprise inspection dalawang linggo makaraang halughugin din ng PDEA- 7 ang Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center at makuha ang 76 cellphone at 19 sachet ng shabu.

Matatandaang naging kontrobersyal ang nasabing raid kung saan pinaghubo’t hubad ang mga inmates.

Hindi gaya ng CPDRC raid, sinabi ni Ruiz na hindi lahat ng detenido sa city jail ay pinagtanggal ng damit.

“Those whose shirt are not capable of concealing bladed weapons were no longer asked to remove their clothes but there are still those who were requested to strip off their clothes in order not to put the lives of our operatives at risk,” aniya.

Mayroong mahigit 4,000 inmates sa city j a i l na nakalaan lamang para sa 1,600 detainees. — Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.