Higit 2K traffic violators dakip

Bandera - - Front Page -

PUMALO sa mahigit sa 2,000 motorista, pedestrian at vendors na lumabag umano sa batas trapiko ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa operasyon noong Miyerkules at Huwebes sa ilang lugar ng Maynila.

Ayon sa ulat, noong Huwebes ay nasa 210 katao ang nahuli sa antijaywalking; 134 sa anti-littering; 56 ang mga nahatak na sasakyan; 95 ang natikitan; 76 ang mga illegal vendors; dalawa sa pagtatayo ng “illegal structure,” at 204 motorista sa sari-saring traffic violatiom.

Noong Miyerkules, 22 ang nasakote sa ang antivolorum; 48 sa anti-loading and unloading; 12 sa maling paggamit ng motorcycle lane; 182 sa traffic obstruction; 29 sa truck ban; 14 bus sa close door policy; 368 para sa “disregarding traffic; 119 sa paglabag sa number coding; 171 sa anti-jaywalking; 191 non-contact apprehension; 85 ang mga nahatak na sasakyan; 75 ang mga natikitan; 53 ang illegal vendors; 24 dahil sa pagtatayo ng illegal structure at 236 naman para sa ibang pang paglabag.

Isinagawa ang mga operasyon sa Pasay, Makati, Quezon City at Caloocan City. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.