Kampo ni Leni umaray sa bantang impeachment

Bandera - - Front Page -

KINONDENA ng kampo ni Vice President Leni Robredo si Speaker Pantaleon Alvarez na nagbantang kanyang sasampahan ng impeachment complaint ang pangalawang pangulo.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, napaka-iresponsable ni Alvarez sa mga pagbibigay ng pahayag sa harap ng publiko.

Aniya, inamin mismo ni Alvarez na wala pa itong hawak na ebidensya at pagaaralan pa ng legal team nito ang paghahain ng impeachment laban kay Robredo.

Ayon kay Hernandez, malinaw na espekulasyon lamang ang ginagawa ni Alvarez pero kinokondisyon na ang isipan ng taong bayan.

Matatandaang pumalag si Alvarez sa ipinalabas na video message ni Robredo sa United Nations kung saan binabatikos nito ang antidrug war ni Pangulong Duterte. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.