3 dayuhan dakma sa ATM skimming

Bandera - - Front Page -

DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Romanian na nasa likod sa mga serye ng unauthorized withdrawals sa mga ATM ng Land Bank of the Philippines.

Nadakip ng mga ahente ng NBI, na armado ng search warrant, ang tatlo sa tinutuluyan nilang condominium sa Brgy. Kamputhaw sa Cebu City kamakalawa ng umaga.

Ani NBI-7 Special Investigator Arnel Pura, tumugma ang mukha ng tatlong dayuhang sa hitsura ng mga nakuhanan ng CCTV camera na naglalagay ng mga skimming devices sa Land Bank ATM sa Brgy. Banilad, Cebu City.

Ayon sa Land Bank, hindi bababa sa 50 na opisyal at empleyado ng gobyerno ang nabiktima ng grupo.

Dahil sa lawak ng naging operasyon ng mga suspek, nagdesisyon ang Land Bank na i-block muna ang higit sa 2,000 accounts, at pinakiusapan ang mga holders nito na personal na tumungo sa kanilang bangko upang mapalitan ang kanilang personal identification

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.