OPINYON KO ‘TO

Bandera - - Front Page -

Karapat dapat po na manatiling DENR Secretary si Gina Lopez dahil tapat siya sa kanyang tungkulin na protektahan ang natitirang yamang kalikasan di lamang para sa ngayon pero sa susunod na henerasyon. Naramdaman namin ang wagas na pagmamalasakit ni Sec. Gina Lopez sa mga katutubong kinakawawa ng mga mayayaman at abusadong negosyante. Higit sa lahat hndi siya corrupt at tama ang ginagawang pag implement ng batas. – Athena Valera, 32, Bangued, Abra....0053

Oo nararapat si Gina Lopez na manatili sa DENR dahil sa katapatan,katatagan katapangan, katalinuhan at di makasariling hangarin para sa kabutihan ng ating sa darating pang mga henerasyon, isa siya na may tutuong malasakit sa bayan tulad ng ating mahal na pangulo. Binigyan tayo ng pangulong walang halong pulitika, tulongan na lang natin para matapos ang pinakasagad na problema na nagpapahirap sa ating bayan, ang korapsyon at droga. –Percival F. Davantes, 60, Tacloban City....1816

May matibay na ebidensya laban kay De lima, dapat lang na managot sya sa korte. –Boy Formento, 66, Davao Sur....8577

Good day BANDERA, isa pa rin **** eto si Alejano, bakit di nya pailan kaso Trillanes sa ginawa balikx2 sa China ng 16x na walang alam ang kongreso? Hindi ba pagtataksil din sa bayan ang tawag doon? Palibhsay pareho balahibo nyo mga duwag, diba sumuko agad kayo sa n u mutiny? Kasi, itlog nyo, umkyat sa lalamunan, mukha ka rin pera sa totoo lang, sino sa palagay mo ang nananinwala sa inyo, ang mga kagaya mo rin na malaki ang ulo gaya ni Trillanes. Thanks Bandera. –Jon, South Cotobato....5311

Kung gusto talga ng gobyerno na matigil ang droga yung mga drug lord ang puksain nyo may perang maiiwanan sa pamilya yan ang maliliit paano na ang mga anak karamihan talaga sa government mga bugok ayaw unahin ang kabuhayan gumagastos kayo sa di dapat unahin pweee mga bobo. –DanMorales, Quezon City....2651

Good AM Bandera! Hoy mga politiko at bayarang destabilizers di kayo magta gumpay ulol! Drop in the bucket lang kayo kumpara sa mga suporters ni PDu30! Handa kaming magbuhis ng buhay para labanan kayo mga ganid, polpol, financer ng inyo plan, magsama na kayo pero di kami patitinag dahil nasa amin ang masa! Da best pa rin admin ni PDu30 dahil desiplina ang pinaiiral na di nagawa ng nagdaang mga pangulo at di maiilong ng ibang bansa na nakikialam sa ating gobyerno! God bless PDu30! –Romy, 69, Davao Oriental....5961

Good day Bandera sa dinami daming sinabi ng mga witnesses laban kay De lima marami naniniwala sangkot sya di un political harassment at saka karma na rin sa ginawa nya kina Corona at GMA baka pinadadama lang sa kanya ang sakit, kahihiyan noong sila din ang hinusgahan agad agad pnhn ni De lima isama na natin sila Bong, Jingoy at Enrile. Sa nalalapit na lenten panahon na para magnilaylay ng mga kasalanan.. ty Bandera. –Tess, 54, Tacloban....6204

Good day Bandera. Noon era ni GMA may Oliver Lozano. Ngayon PD30 may Gary Alejano. Si Lozano ng GMA era every year sa utos din ni GMA. Para wala ibang maa- impeach sa kanya. Si Alejano pakawala ni Trillanes gaya ni Matobato at Lascania. –Art, 65, Valenzuela City....0302

Trillanes at De Lima, the king and queen of criminals and illegal drugs! Kinakanlong nyo mga kriminal at involved sa ilegal na droga. Sabay pasarap sa malalaking kotong at sahod nyo. Libre sasakyan, gas, driver, security, may retainer fee, etc., courtesy of the Filipino people! Ang kakapal mukha nyo! Magresign na kayo! Dapat talaga kau maikulong. Nakakatawa ka De lima sigaw ay political persecution kaya nakulong, ikaw trillanes halata naman milyones ang isinuhol ke SPOTin Last Ka Niya para idiin si PDU30 para sirain ang administrasyon! Mga yawa!.... 8218

Hindi naman galit ang publiko sa mga ibinunyag ni SPO4 Arthur Lascanas na inutusan sila ni Pangulong Duterte na lipulin ang mga masasamang-loob sa Davao City dahil kailangan naman talaga na may nagpaparusa sa mga salot ng lipunan. Kung ang mga salbahe nga ay may sindikato, hindi ba tama at dapat na ang gobyerno ay may grupo din tulad ng DDS na panapat at panupil sa mga kriminal. Kung walang grupo na lalaban sa mga malulupit na kriminal, sino na ang susupil sa kanila. Napakabait ng mga batas sa mga nagkakasala kaya kawawang- kawawa ang mga b i k t i m a . Ang kapag masalapi ang kriminal, pinatatakas at madalas ay nalulusutan ang mga batas na batbat ng butas. Ang bansa natin ay nasa yugto ngayon na sobra na ang paglapastangan sa mamamayan dulot ng salot na droga kaya may pangangailangan sa lalong epelktibo at mabilis na pagkilos para mailigtas ang natitira pang matitino. –Rey Martinez, 64, Brgy 293, Binondo, Manila....1017

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.