Nurse sugatan sa away-trapiko

Bandera - - Front Page -

SUGATAN ang nurse na binaril ng driver ng Mercedes Benz dahil sa awaytrapiko sa Cebu City kahapon ng umaga.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan si Ephraim Montalbo, na ginagamot sa pribadong ospital.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng salarin na tumakas kasama ang isang babaeng pasahero sakay ng nasabing kotse (UNI 731).

Ani PO3Nicolo Gonzales, ng Cebu City Police Office (CCPO) homicide section, inaalam na nila kung sino ang may- ar i ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) bagamat naniniwalang ito ay banyaga o may lahing Chinese.

Idinagdag ni Gonzales na nagsimula ang awaytrapiko nang magpaekis- ekis ang Mercedes Benz sa makipot na dalawang linya na kalsada bago huminto sa gitna.

Binusinahan niMontalbo, na sakay ng Toyota Altis, ang sasakyan para ito makadaan.

Imbes na paandarin ang sasakyan, bumaba ang driver ng kotse, kasama ang babae at sinipa ang kotse ng biktima.

Tinangka pang suntukin ng suspek si Montalbo, bagamat nakailag ang biktima. Bumalik ang suspek sa kanyang kotse at kumuha ng baril.

Makikita sa video na nakuha ng isang motorista na nasa likod ni Montalbo na tinutukan ng suspek ng baril ang suspek na bumaba ng kanyang kotse.

Bigla na lamang binaril ng suspek si Montalbo nang apat na beses, base sa video.

Bagamat sugatan, nagawang kuhaan ni Montalbo ng litrato ang plate number ng Mercedes Benz habang ito ay papaalis.

Nakarekober ng pulisya ng dalawang basyo ng kalibre .22 pistola at bala mula sa pinangyarihan ng krimen. —CDN

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.