7 patay sa van

Bandera - - Front Page -

NASAWI ang pito katao, kabilang ang 10- taong gulang na bata, samantalang kritikal ang isa pa sa aksidente sa Santo Tomas, Batangas, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Erickson Go,Santo Tomas deputy police chief, mina- maneho ni Rodolfo Mandac Jr. ang 10-whee-ler aluminum wing van sa kahabaan ng President Laurel Highway patu- ngong Tanauan City, nang bumangga ito sa paparating na Toyota Corolla na minamaneho ni Romeo Abarientos sa Brgy. San Roque alas- 9:45 ng gabi.

Namatay sina Cesar Almario, 16; Paul Aldrin Geroy, 16; Gerald Dellomos, 22; Deniel Aba re t e , 1 6 ; Romeo Abarientos, 26; at Jerome Abarientos, 10, pawang residente ng Barangay San Miguel, Sto. Tomas.

Hindi pa nakikilala ng pulisya ang isa pang biktima na nasawi rin sa aksidente.

Nananatili namang nasa kritikal na kondisyon ang biktimang si Aljay Torres, 17.

Ayon sa imbestigasyon, inokupa ng Corolla ang kaliwang lane kaya bumangga ito sa wing van.

Nasa kustodiya na ng Sto. Tomas police ang driver ng van na si Mandac, na hindi nasaktan. —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.