34 patay sa 'Double Barrel'

Bandera - - Front Page -

UMAKYAT na sa 34 ang namamatay simula nang ipatupad ng Philippine National Police (PNP) ang “Project Double Barrel: Reloaded."

Batay sa ulat ng PNP, hanggang alas-6 ng umaga kahapon ay 34 na drug suspects na ang nasawi sa mga police operation mula nang ilunsad ang "Double Barrel: Reloaded" noong Marso 6.

Aabot naman sa 81,603 na mga bahay ang nabisita ng mga pulis, bilang bahagi pa naman ng Oplan Tokhang.

Nasa 7,833 drug users at pushers ang sumuko sa mga otoridad samantalang 2,132 ang nadakip sa mga operasyon.

Base sa datos ng PNP, walang pulis na namatay sa kasagsagan ng mga antidrug operations.

Nauna nang ipinangako ni PNP chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa na magiging madugo ang "Double Barrel: Reloaded."

Matatandaan na ipinagutos ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng anti-drug operations dahil sa kaso ni Korean businessman na si Jee Ick Joo, na pinaslang sa loob ng Kampo Krame ng mga pulis na sangkot sa extortion. —Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.