P73M jackpot sa Grand Lotto

Bandera - - Front Page -

INAASAHANG aabot sa P73 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Lunes ng gabi.

Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office ( PCSO), hindi nakuha ang P68.6 milyong jackpot prize ng Grand Lotto sa bola noong Sabado.

Lumabas ang winning number combination na 08- 17- 23- 40- 52- 06 sa pinakahuling bola. Umabot sa P20.6 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.

Nanalo naman ng tigP129,080 ang walong mananaya na nakakuha ng walong numero habang tig-P1,340 naman ang 614 mananaya na nakaapat at balik ang P20 taya ng 15,315 mananaya na nakatatlo.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.