Arestado

Bandera - - Front Page -

DINAKIP ang dalawang lalaki matapos silang sundan ng kanila umanong dinukutan sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerwin Rafael, 30, at Alvin Barona, 29, pawang mga residente ng Brgy. Batasan Hills. Nabawi naman ni Lord Anasco, ng Luzon Ave., Brgy. O ld Ba lara , ang kanyang Samsung J7 cel lphone. Sakay si Anasco ng bus nang dukutan umano ng mga suspek alas-11:20 ng gabi. Napansin ng biktima na wala na ang kanyang cellphone kaya sinundan niya ang mga suspek pagbaba ng mga ito sa satellite office ng Metropolitan Manila Development Authority sa Tandang Sora. Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na nagbabantay sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.