Santa pinugutan sa paniniwala (2)

Bandera - - Front Page - Ni Leifbilly Begas

GAANO mo kamahal ang Diyos? Ano ang kaya mong gawin par a sa kanya? Hanggang saan mo siya ipaglalaban?

Ayon sa isinulat ni Mar y Hab e r s r oh sa TopTenz, mayroong mga babae na pinugutan ng ulo dahil sa kanilang paniniwala sa Diyos. Hind i matatawaran ang tapang ng mga babaeng ito.

Si Eurosia ay isang French mula sa Bayonne at nabuhay noong 8th century.

Mu la s iya sa marangyang pamilya at siya ay itinakdang magpakasal sa isang Muslim mula sa Europa.

Nagtago si Eurosia sa isang kuweba sa Pyrenees. Akala niya ay wala nang makakahanap sa kanya hanggang sa mapansin ng Saracen troop ang usok na nagmumula sa kuweba.

Kinaladkad si Eurosia palabas ng kuweba at pinugutan noong 714 CE. Ang kanyang labi ay inilibing sa Jaca, isang siyudad sa Espanya.

Si Eurosia ay naging patron saint ng Jaca kung nasaan ang kanyang relic. Siya ay naging patron saint ng mga sinasaniban ng demonyo.

Hindi malinaw ang dahilan nito pero ayon sa isang kuwento, minsan ay kinuha ng mga sinaniban ng demonyo ang kanyang relic sa pagnanais na gumaling. Pinahinto ng Bishop ng Jaca ang gawing ito noong 1947.

Si Susanna ay mula sa isang extended Christian family at anak siya ni Saint Gabinius, na kapatid ni Pope Caius.

Ang kanyang bahay ay nagsilbing lugar ng sambahan ng mga Kristiyano noong panahon ni Diocletian.

Nais umano ni Diocletian na magpakasal si Susanna sa kanyang sonin-law na si general Maxentius Galerius. Walang plano si Susanna na magpakasal sa isang pagano.

Nagawa rin niyang maging Kristiyano ang dalawang opisya l na ipinadala ni Diocletian.

Nagalit si Diocletian at noong 295 CE ay pinugutan si Susanna. Ang kanyang ama ay ipinakulong at namatay matapos na hindi pakainin.

Ang bahay ni Susanna ay naging simbahan— ang Church of Saint Susanna sa Baths of Diocletian sa Roma.

Si Juthwara ay ipinanganak sa Dorset, England noong 6th century. Hindi siya gusto ng kanyang madrasta kaya naging mahirap ang kanyang buhay.

Nang mamatay ang kanyang ama, nagsimulang makaramdam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.