HEALTH WELLNESS Bangis ng RABIES R

Bandera - - Front Page -

ABIES Awareness Month ngayong buwan ngMarso at ang taunang kampanya na ito ng pamahalaan ay isinasagawa para madagdagan ang kaalaman ng publiko sa panganib ng rabies at makaiwas sa nasabing sakit pati na rin ang mga dapat gawin kapag nakagat ng aso o iba pang ligaw na hayop na hinihinalang meron nito.

Maliban sa kampanya nito na pagbibigay ng libreng bakuna sa rabies meron din itong mga programa sa responsableng pag-aalaga ng hayop. Ayon sa Department of Health (DOH), hangad ng Pilipinas na maging rabies- free sa taong 2020.

Umaabot naman sa 55,000 tao ang namamatay sa rabies kada taon ayon sa World Health Organization (WHO). Karamihan sa mga naapektuhan nito ay mga bata na may edad 15 anyos pababa. Base sa istatistika ng DOH, umaabot sa 200 hanggang 300 ang namamatay kada taon sa rabies sa Pilipinas.

Dahil sa nakakaalarmang paglaki ng namamatay sa rabies, pinirmahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang batas ang Republic Act 9482 o Anti Rabies Law of 2007.

Bukod sa aso, ano pang mga hayop ang may rabies virus?

Bagaman m a l a k i n g porsyento ng mga kaso ng rabies ay sanhi ng kagat ng aso may mga kaso naman na galing sa pusa, daga, ibon, kabayo, paniki, kuneho, unggoy at lobo.

Ayon sa Control of Communicable Diseases ng Estados Unidos, ang lahat ng mga mammal ay madaling kapitan ng rabies subalit ang aso ang kinukunsiderang pangunahing binabahayan at naglilipat ng rabies sa halos lahat ng mga bansa. Ang aso ay bumubuo ng 98 porsiyento ng mga kaso, 88 porsiyento nito ay sa mga gala at 10 porsiyento ay mga alagang hayop. Ang mga pusa at daga ay nabibilang sa 2 porsiyento.

Narito ang ilan pang impormasyon tungkol sa rabies na dapat mong malaman.

Ano ang rabies? Ang r abies ay isa sa mga pinakamapanganib na viral disease na nakakaapekto sa central nervous system ng mga hayop at kumakalat ito sa tao sa pamamagitan ng kagat, kalmot at may impeksyong laway. Mapanganib ang rabies dahil maaari kang mamatay ilang araw matapos lumabas ang mga sintomas nito.

Ang rabies ay isang zoonotic disease o sakit na naililipat mula hayop patungo sa tao at ito ay sanhi ng rabies virus ( Lyssavirus Rhabdoviridae). Ang mga maaamong aso ang pinakak a r a n i wang pinangmumu-

Ilan sa mga sikat na personalidad na namatay sa rabies ay sina Edgar Allan Poe (manunulat), Fernando Poe Sr. (aktor at ama ni FPJ) lan ng v i r us kung saan mahigit 95% ng mga taong namamatay ay sanhi ng rabies na galing sa aso.

Ano ang mga sintomas ng rabies?

Ang ilan sa maagang sintomas ng rabies ay ang lagnat, sakit ng ulo at pangh i h i n a . Habang lumalala ito, ang ilan sa mga sintomas nito ay ang insomnia, pagkabalisa, pagkalito, pagkalumpo o paralisis, halusinasyon, hirap sa paglunok, sobrang paglalaway, hydrophobia (fear of water), photophobia (fear of lights) at aerophobia (fear of flying). Makalipas ang ilang araw, mamamatay ka na bunga ng cardiorespiratory arrest. Paano maiiwasan ang rabies?

Sa karamihan ng mga kaso ng rabies malaki ang posibilidad na ito ay maiwasan. Una na rito ang pag-iwas sa mga asong gala at iba pang ligaw na hayop.

Sa mga nag- aalaga ng aso, pabakunahan ang mga ito at huwag hayaan ang mga ito na gumalang mag-isa sa labas.

Ano ang dapat gawin kapag nakagat/nasakmal o nakalmot ng hayop na may rabies? Kapag nakagat o nakalmot, hugasang mabuti ang sugat gamit ang sabon at tubig at magpatingin agad sa doktor na mag- susuri nito at magsasabi kung kailangan mo ng post exposure prophylaxis (PEP) shots o hindi. Ang PEP shots ay binubuo ng apat na dosis na pinangangasiwaan sa isang 14-day period.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.