KRIS HINDING-HINDI ISUSUKO ANG LABAN...HANGGANG SA HULING HININGA

Bandera - - Front Page - BY RONNIE CARRASCO III

ORIGINALLY scheduled on the last Sunday of this month ay na-move na sa April 9 ang airing ng travel special ni Kris Aquino sa GMA 7.

Contrary rin to earlier reports, hindi si Kris ang producer nito but by some businessminded person na hindi masasabing istranghero sa showbiz. Add to that ay meron pa itong aviation business na swak sa tema ng show, travel, that is.

Hindi tuloy namin maiwasang itanong that in the light of a newfound producer (na hindi lang bilib sa kakayahan niKris kundi naniniwalang her time isn’t over yet) ay nasaan ang APT Entertainment, ang management office ni Kris that’s supposed to engineer her return to TV (pero iba nga ang producer)?

Just what arrangement exists between the lady producer and APT? Ang sabi, Kris’ show—which is testing the waters—will only air for two Sundays. Paano kung maka-jackpot ito, will APT come in and “reclaim” Kris para sila na ang makinabang?

Also, not only is Kris a talent gaya ng kanyang nakasanayan in her recent assignments, she also puts her stakes on them (intrapreneurial ang tawag du’n). So, does it mean that whatever profit is generated from her new TV show ay tatlo silang maghahati?

In that case, support from the advertisers had better be huge enough kapag nagkapartepartehan na.

Whatever the internal deal is, again, masaya kami para kay Kris. Historically, Araw ng Bataan ang sana’y tuloy na tuloy nang pag-ere ng pilot episode ng kanyang show.

With Kris these modern times, wala sa bokabularyo niyang isuko ang kanyang turf. “Injured” in her professional battle, gusto ring patunayan ni Kris that like a brave yet wounded soldier who sets out to war ay uuwi siyang matagumpay for putting up a good fight.

The following is a compendium of anecdotes na pilit nagsusumiksik sa ating alaala makaraang maging kontrobersiyal na naman ang isang sikat na aktres.

Of late kasi, she figured in an encounterwith a fellow actress na kung hindi siguro napigilan would have resulted in yet another raging verbal confrontation.

Tuloy, nag-flashback ang mga klasikong kuwento tungkol sa magaspang niyang pag-uugali, her penchant for petty if not downright cheap fights at ang kanyang pakitang-taong stance na kunwari’y magiliw sa kanyang mga fans.

Anecdote #1: At a photo shoot kung saan she was surrounded by porcelain maskwearing hunks ay ‘di sinasadyang naihulog nito ang fragile prop. It landed on the ground in pieces! Sa inis, nagdayalog ang aktres ng, “Punyeta! Tatanga-tanga kasi!”

Sa loob-loob ng pobreng male model, did he deserve such words sa dadalawang libong pisong talent fee lang niya roon for something he didn’t intend to do?

Anecdote #2: Nagpapaayos ang aktres sa isang salon sa Timog, Q.C. nang maispatan ng isang batang paslit na sisilip-silip sa glass window. Halatang starstruck ang bagets. Na-excite lalo ito nang maabangan niyang lalabas na ng salon ang aktres, na patakbong nilapitan niya para magpa-picture.

Sey ng nakasimangot aktres, “Kanina pa ‘ko sa loob, hindi ka pumasok. Ngayong nagmamadali na ‘kong umalis saka ka magpapa-picture!”

Anecdote#3: Isang grupo ‘yon ng mga senior citizen na nagsilbing studio audience sa show ng aktres. Matiyaga silang naghintay hanggang sa matapos ang show dahil gusto rin nilang magpakuha ng litrato kasama

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.