Mike Tan loyal pa rin sa GMA, walang balak lumipat sa ABS

Tambalang Glaiza-Marx bagong pakilig sa Enca

Bandera - - Front Page -

KAPUSO leading man Mike Tan remains loyal with GMA as he renewed his exclusive contract with the network.

Mula nang manalo sa second season ng Starstruck bilang Ultimate Male Survivor 13 years ago ay marami nang achievements ang binata.

"Hindi ko kasi talaga makita na umalis ako sa Network na nagpasikat sa akin, nagturo sa akin at talagang nagmamahal sa akin. Ever since naman, nandito sila for me and never nila akong pinabayaan, through ups and downs, andiyan sila para sa akin.

"Never nila akong binigyan ng hindi ko gustong proyekto. Lagi nilang pinararamdam sa akin yung tiwala kaya lagi akong thankful na nandito ako sa GMA," ani Mike.

Present sa contract signing sina GMA Senior Vice President for Entertainment TV Lilybeth Rasonable, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, at GMA Artist Center Talent manager Daryl Zamora.

Napapanood ngayon si Mike sa number one daytime program ng GMA na Ika-6 Na Utos kasama sina Sunshine Dizon, Ryza Cenon at Gabby Concepcion.

Admitted to be challenged by his role, Mike is thankful to all the viewers and netizens who continuously praise him for his portrayal of Angelo Trinidad.

Aniya, "Parang ngayon lang ako ulit gumawa ng ganito kabigat na role. Aaminin ko, hindi siya madali. Mahirap siya. Kasi 'yung mga nakaraan kong ginawa, sa akin mahirap na 'yun, pero hindi kasing bigat nito, hindi kasing lalim ng hugot nito."

Kilig na kilig ang mga Encantadiks sa mga eksena nina Glaiza de Castro at Marx Topacio sa fantaserye ngGMAna Encantadia after 24 Oras.

Sa episode nga nito last Friday, pinag-usapan at kinakiligan ng manonood ang paghalik ni Azulan (Marx) kay Pirena (Glaiza). Nabigla ang Sang'gre sa ginawa ni Azulan kaya nasampal at nasapak ni Pirena ang binata. Ngunit halata namang nagustuhan niya ito.

Ayon sa ilang netizens, matindi ang chemistry on screen ng dalawang Kapuso stars at swak na swak talaga ang kilig moments nila. Kaya ang tanong ng fans, hindi kaya magselos ang girlfriend niMarx na si Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina?

Samantala, tutukan ang mga susunodna eksena sa Encantadia matapos magpaalam sina Cassiopeia (Solenn Heussaff), Imaw, Mira (Kate Valdez), Lira(Mikee Quintos), Luna (Inah de Belen), Ariana (ArraSanAgustin), at Paopao (Phytos Ramirez), Muyak (Klea Pineda) at Wantuk (Buboy Villar) kina Pirena, Danaya (Sanya Lopez), at Ybrahim (RuruMadrid) para magsanay.

Tinanggal na niAvria (Eula Valdes) ang encantasyon sa mga bihag at ibinalik sa dating kaisipan at pinalaya ang mga ito. Inutusan naman niya si Asval (Neil Ryan Sese) at Andora (Rochelle Pangilinan) na hanapin si Aquil (Rocco Nacino) at ikulong pansamantala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.