La Salle nakaganti sa UP

Bandera - - Front Page -

Mga Laro sa Miyerkules (Filoil Flying V Centre) 8 a.m. UE vs FEU (men) 10 a.m. Ateneo vs Adamson (men) 2 p.m. UP vs Adamson (women) 4 p.m. Ateneo vs NU (women) NAIPAGHIGANTI ng nagtatanggol na kampeong De La Salle University Lady Spikers ang isa sa dalawang nalasap na kabiguan matapos na biguin ang University of the Philippines Lady Ma- roons sa tatlong set, 2725, 25-11, 25-17, sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament Linggo sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Tanging sa unang set lamang naging mahigpit ang laban kung saan nagawang pigilin ng Lady Spikers ang dalawang set points mula sa Lady Maroons bago tuluyang dinomina ang ikalawa at ikatlong set tungo sa ikawalong panalo sa loob ng sampung laro.

Pinamunuan ni Majoy Baron ang Lady Spikers sa itinalang 16 puntos mula sa 7 spikes, 3 blocks at 6 service aces upang makaganti sa nalasap nitong pinakaunang kabiguan sa torneo kontra Lady Maroons na nahulog naman sa ikalimang puwesto sa bitbit na 5-5 kartada.

Kinailangan naman ng National University Lady Bulldogs na pigilan ang University of the East Lady Warriors bago naitakas ang apat na set na panalo, 25-15, 25-21, 22-25, 2521. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.