RAIN OR SHINE WAGI VS MAHINDRA SA OT

Bandera - - Front Page -

Mga Laro sa Miyerkules (Araneta Coliseum) 4:15 p.m. NLEX vs

Mahindra 7 p.m. Meralco vs

TNT KaTropa KINAILANGANG kumawala ng Rain or Shine Elasto Painters mula sa dikitang laban para itakas ang 99-95 overtime win kontra Mahindra Floodbuster at i uwi ang i k a l awang sunod na panalo s a 2017 PBA Commissioner’s Cup Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinamunuan ni Shawn Taggart ang Elasto Painters sa ginawang 29 puntos, 10 rebounds, 4 assists at 2 blocks.

Ang pinakamahalagang play sa laro ni Taggart ay ang pasa nito kay Jeff Chan na naghulog ng krusyal na 3-pointer may 1:38 ang nalalabi sa laro para itulak ang kalamangan ng Rain or Shine sa apat na puntos, 97-93, sa overtime.

“He tries to get other players involved, but we told him we know he can score. It’s a nice thing in the end, though he was scoring and he was able to find Jeff Chan in the corner,” sabi ni Rain or Shine head coach Caloy Garcia, na ipinagdiwang ang ika-42 kaarawan sa pamamagitan ng panalo.

Nag- ambag si Beau Belga ng 12 puntos at 10 rebounds habang si James Yap aymay 12 puntos at si Jeff Chan ay nagdagdag ng 10 puntos para sa Rain or Shine.

Pinangunahan n i James White ang Floodbuster sa itinalang 29 puntos at 21 rebounds.

Si Gary David ay gu- mawa naman ng 13 puntos habang sina Pedrito Galanza at Reden Celda ay nagdagdag ng tig-10 puntos para sa Mahindra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.