NU nauwi ang ika-4 sunod UAAP women’s tennis title

Bandera - - Front Page -

Laro sa Miyerkules (Rizal Memorial Tennis Center) 8 a.m. UST vs UE (men’s finals) INUWI ng National University ladies tennis team ang ikaapat nitong sunod na korona matapos itala ang 3- 0 panalo kontra Unive r s i t y of S a n to Tomas sa ginanap na UAAP Season 79 women’s lawn tennis Finals Linggo ng umaga sa Rizal Memorial Tennis Center sa Malate, Maynila.

Sinelyuhan mismo ni MVP Clarice Patrimonio sa dominanteng 6-1, 6-3 panalo kontra ErikaManduriao sa ikalawang singles ang korona para sa Lady Bulldogs.

“We just focused on the game,” sabi ni Patrimonio, na muling inuwi ang pinakamataas na parangal sa liga sa ikalawang sunod na taon sa loob ng tatlong taon.

Nagwagi rin sa kan- yang panghuling laro sa singles match si Christine Patrimonio, na tulad ng kanyang nakababatang kapatid na si Clarice ay nagwagi ng dalawang MVP, sa pagtala ng 6-0, 6-3 panalo kontra Precian Rivera upang ibigay sa NU ang 1-0 abante.

“Nakakalungkot kasi nasanay ako na kasama si Tin,” sabi ni Clarice. “But I guess next year, I’ll try my best.”

Nagwagi rin ang Lady Bulldogs sa doubles mula sa pares nina Jzash Canja at Apoul Polito na tinalo sina Shymae Guitaran at Erika Manduriao, 6- 2, 6-0.

Nagtala rin ng kasaysayan ang NU sa pagw aw a g i nito ng 24 diretsong laban simula pa noong Pebre ro 2015 upang maging ikalawa sa may pinakamaraming titulo sa likod ng De La Salle University na may pito. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.