19 pulis sa Espinosa slay sumuko

Bandera - - Front Page - Ni John Roson

SUMUKO sa kanilang mga kabaro ang 19 pulis na una nang i p i n apaaresto ng korte kaugnay sa pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa Sr. ng Albuera, Leyte.

Ka b i l a n g s a mga sumuko sina Supt. Marvin Marcos, dating hepe ng 8th Regional Criminal Investigation and Detection Unit; Supt. Santi Noel Matira, Chief Insp. Leo Laraga, Chief Insp. Calixto Canillas Jr., Senior Insp. Fritz Blanco, Senior Insp. Deogracias Diaz III, at Insp. Lucrecito Candilosas, ayon sa PNP.

Sumuko rin sina SPO4 Melvin Cayobit, SPO4 Juanito Duarte, SPO2 Benjamin Dacallos, SPO2 Antonio Docil, SPO1 Mark Christian Cadilo, PO3 Johnny Ibañez, PO3 Norman Abellanosa, PO2 Jhon Ruel Doculan, PO2 Jaime Bacsal, PO1 Lloyd Ortigueza, PO1 Bhernard Orpilla, at PO1 Jerlan S. Cabiyaan.

Boluntaryong sumuko ang 19 at sumailalim na rin sa booking procedure sa regional unit ng CIDG, ayon kay Chief Supt. Elmer Beltejar, direktor ng Eastern Visayas regional police.

Una nang naglabas ng dalawang arrest warrant ang Regional Trial Court Branch 14 sa Baybay City, Leyte, sa mga akusado para sa kasong murder.

Ito ay nag-ugat sa raid na pinamunuan ni Laraga at nauwi sa pagkamatay ni Espinosa at isa pang inmate s a Le y t e SubProvincial Jail sa Baybay City noong Nobyembre 5, 2016.

Ilang buwan bago ang raid, matatandaan na sumuko si Espinosa matapos pangalanan ni Pangulong Duterte sa kanyang narco-list.

Matapos mapatay ang alkalde ay sinibak ng PNP sa puwesto si Marcos, kanyang mga tauhan, at ilang miyembro ng 8th Regional Maritime Unit para maimbestigahan.

Lumabas sa imbestigasyon ng Senado at National Bureau of Investigation na sinadya diumano ang pagpatay sa alk a l d e u p a n g mapagtakpan ang pagkakasangkot ng mga pulis sa ilegal na droga.

Matapos mapatay si Espinosa ay sumuko at umaming may kinalaman sa bentahan ng droga ang anak niyang si Kerwin, na nagdawit naman sa grupo ni Marcos.

Habang ang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa mabatid kung saan ikukulong ang 19.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.