Leni apuradong maging pangulo —Digong

Bandera - - Front Page - Ni Bella Cariaso

NAGMAMADALING maging pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo.

Ito ang tahasang sinabi kahapon ni pangulong Duterte sa harap ng Filipino community sa Myanmar matapos ang kanyang official visit.

"Ang mga kalaban ko. . . s i Leni, apurado masyadong maging presidente," sabi ni Duterte, bilang reaksyon sa ginawang pagsusumbong ni Robredo sa United Nations hinggil sa ipinatutupad na war on drugs ng kanyang administrasyon.

Nanindigan din si Duterte na wala siyang kinalaman sa isinusulong na impeachment complaint laban kay Robredo.

Hindi rin nakaligtas si Sen. Antonio Trillanes IV sa mga banat ni Duterte.

"Si Trillanes is a barking dog. He’s just a… you know this guy, he was the one na nag- mutiny. Naalaala ninyo ‘yung sa Makati? Look at this idiot. Nagpa-mutimut i ny, ‘ yun palang kaduwagan niya pagdating ng pulis nagsurrender. Ang ginawa, ninakaw ‘yung lahat ng mga twalya sa. Peninsula, mga bed sheets at kutsara," dagdag ni Duterte, hinggil sa nangyaring Oakwood Mutiny noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Isinunod din ni Duterte si Sen. Leila de Lima sa kanyang litanya kung saan itinanggi na isa siyang political prisoner.

Mul i n g idiniin ni Duterte si de Lima sa iligal na droga.

"It was the Secretary of Justice herself running, trafficking drugs. Kaya sabi maraming patay. Totoo ‘yan. Hindi ko… I’m not trying to deny that in the work… In Davao I said," sabi ni Duterte. — Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.