3 tigok sa videoke bar

Bandera - - Front Page -

TATLO katao ang nasawi at dalawa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng mga armadong nakamotorsiklo sa videoke bar sa Cabadbaran City, Agusan del Norte kagabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bryan Pagal, 27; Jade Tagaro, 25; at Luther Lagria, 40, pawang mga residente ng Cabadbaran.

Sugatan naman sina Jarred Abasolo, 29; at Ricky Carreras, 33.

Nag-iinuman ang lima sa labas ng Coach Repuvlik videoke bar sa tabi ng Rizal Park sa Purok 1, Brgy. 3, dakong alas-8:50 nang pagbabarilin ng tatlong lalaking nakamotorsiklo.

Dead on the spot si Pagal, habang sina Tagaro at Lagria ay dineklarang dead on arrival ng mga doktor sa Cabadbaran District Hospital, ayon sa pulisya.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril at mga suspek. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.