4 kilong marijuana kumpiskado

Bandera - - Front Page -

NAKUMPISKA ang apat na kilo nang pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang raid sa Lucena City, ayon sa pulisya kahapon.

Sinabi ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, Quezon police provincial director, na pinasok ng mga miyembro ng Quezon Provincial Drug Enforcement Group sa pamumuno ni Supt. Marlowe Torina at lokal na pulis ang bahay ni Kim Roales, 28, sa Barangay Cotta ganap na alas-3:30 ng hapon.

Natagpuan ng mga otoridad ang isang plastic bag na may apat na brick nang pinatuyong marijuana na nakabalot sa packaging tape.

Tumitimbang ang marijuana ng apat na kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P220,000. — Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.