Graft vs ex-Cebu mayor

Bandera - - Front Page -

KAKASUHAN ng Office of the Ombudsman ang isang dating mayor sa Cebu kaugnay ng ilegal umanong pagtanggap ng honorarium mula sa Philippine Health Insurance Corp.

Kasong graft ang isasampa laban kay Lionel Bacaltos, dating mayor ng Sibonga.

Nagkaroon umano ng health care program ang PhilHealth at nagbigay ng honorarium sa municipal health office personnel na nagkakahalaga ng P280,197 noong 2015.

Isinama umano ni Bacaltos ang kanyang pangalan sa mga tatanggap ng honorarium kahit na hindi naman siya miyembro ng municipal health office. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.