Big time rolbak sa petrolyo

Bandera - - Front Page - Ni Liza Soriano

MAGPAPATUPAD ng big time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong araw.

Pangungunahan ng PTT Philippines, Flying V at Pilipinas Shell ang rolbak sa presyo ng diesel, gasolina at kerosene ngayong Martes.

Epektibo alas-12:01 ng madaling araw kanina ay magbaba ang Flying V ng P1.20 sa presyo ng kada litro ng kerosene; P1.10 sa presyo ng diesel at 80 sentimos naman sa gasolina.

Kahalintulad na presyo rin ang ibaba ng PTT Philippines at Pilipinas Shell alas-6 ng umaga.

Inaasahan na magbababa rin ng kanilang presyo ang ibang kumpanya.

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Marso 14, nagbawas ang mga kumpanya ng langis sa pangunguna ng Flying V, Pilipinas Shell, Petron Corporation at Seaoil ng 70 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene; 60 sentimos sa diesel at 35 sentimos naman sa gasolina.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.