Kaso vs ex-Petron execs ibinasura

Bandera - - Front Page -

IBINASURA ng Sandiganbayan Fourth Division ang mga kaso laban sa mga dating opisyal ng Petron Co r p. , kaugnay ng P700.742 milyong tax credit scam.

Nabasura ang 48 kasong graft na kinakaharap ni Celso Legarda, dating vice president and general manager ng Petron.

Labing walong kasong graft naman ang ibinasura kay dating Petron president Monico Jacob, dating VP for refinery Apolinario Reyes at dating senior marketing executive Rafael Diaz Jr. kaugnay ng P86.055 milyong tax credit.

Ibinasura naman ang kaso laban kay Reynaldo Campo na namatay noong Enero 20, 2013.

Magpapatuloy naman ang kaso laban kay dating Finance Usec. Antonio Belicena at dating deputy director Uldarico Andutan.

Sa desisyon ng Sandiganbayan sinabi nito na hindi na maaaring hatulan ang mga opisyal ng Petron sa ilalim ng “principle of re judicata” batay sa jurisprudence na ipinalabas ng Supreme Court.

Sa desisyon ng SC, sinabi nito sa Pacifico Cruz vs. Sandiganbayan kaugnay ng P131.2 milyong tax credit. Ang anomalya umano ay nangyari sa lebel ng pag- proseso ng DOF-One Stop Center at walang partisipasyon dito ang Pilipinas Shell.

Maituturing umanong pareho ang kaso ng Pilipinas Shell at Petron.

“The Court believes that the jurisprudence or case law laid down by the Supreme Court in Cruz applies to these cases. Petron, represented by the accused- movants, was found not to be a party to the fraudulent issuance and assignment of the TCCs, and was therefore considered as a transferee in good faith and for value,” saad ng desisyon ng Sandiganbayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.