Babaeng pulis-Maynila inambus, patay

Bandera - - Front Page -

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang pulis-Maynila Linggo ng gabi sa Sta. Cruz district.

Sa report ng Super Radyo dzBB, sakay si PO1 Jorsan Marie Alafriz ng kanyang kotse at papasok na sa trabaho sa Barbosa Po l i c e Commu n i t y Precinct nang tambangan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Naganap ang ambush sa Recto avenue.

Matapos mabari l , suma lpok pa ang sasakyan ng biktima sa ilang tricycle sa lugar.

Naisugod pa sa ospital ang pu l is ngun it idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang may 12 basyo ng 9-mm na baril.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pang- aambush at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa Manila Police District, bago lang si Alafriz sa presinto Barbosa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.