Ako'y isang sirena kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda (1)

Bandera - - Front Page - Ni Leifbilly Begas Kiryat Yam Columbus Zimbabwe Orang Ikan Mayne Island

SA ang karakter ng sirena sa mga tema na pabalik- balik na ginagamit mapapelikula man o mapalibro.

Merong mga hindi naniniwala at meron din naman na totoo ang tingin sa kuwentong ito. Maaaring pinagtatakpan umano ito sa pamamagitan ng pagsasabi na kathangisip lamang para matakpan ang katotohanan.

Hindi maitatanggi na mayroong mga tao na nagsasabi na nakakita na sila ng sirena o may kakilala sila na nagpatotoo na buhay ang mga nilalang na ito.

Ayon sa isinulat ni China Burks sa ListVerse, may mga nakakita na ng sirena na maaaring mapagbatayan upang masabi na hindi lamang guni-guni ang mga ito.

Noong 2009, kumalat ang balita na mayroong nakitang mga mermaid sa bayan ng Kiryat Yam sa Israel. At hindi lamang umano sila basta dumaan, kundi nag-perform pa ang mga ito sa mga residente at turista na naroon.

Gaya ng pagkakaalam natin sa mga ito, ang nilalang na tinutukoy ay kalahating tao at kalahating hayop.

Ayon sa isang residente, siya ay nagsa-sunbathing kasama ang ilang kaibigan nang mapansin nila ang nilalang na ito.

Maganda ang nilalang kaya nilapitan nila. Pero laking gulat nila nang makita na ang kalahati ng katawan nito ay isda.

Habang kumakalat ang balita ay dumarami rin ang nagsasabi na nakakita sila ng mermaid.

Nag-alok ang Kiryat Yam government ng $ 1 milyon na pabuya sa sinumang makapagpapakita ng ebidensya na totoo ang sirena.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pumupunta sa konseho ng Kiryat Yam upang kunin ang premyo.

Marami umanong nakitang sirena ang manlalakbay na si Christopher Columbus sa kanyang pagdaan malapit sa Hispaniola.

Isinulat ni Columbus sa log ng kanyang barko na s iya a t ang kanyang mga crew ay nakakita ng sirena habang naglalayag malapit sa nasabing isla.

Nakita umano nila i to nang malapitan at nadismaya sila sa itsura nito dahil malayo sa sinasabi ng mga libro na sila ay mayroong taglay na nakakaakit na kagandahan.

Ipinapalagay naman na ang nakita ni Columbus ay hindi sirena kundi mga manatees na marami sa lugar.

Para tuloy sinasabi na tatangatanga ang beteranong manlalayag dahil napagkamalan niyang sirena ang mga manatees.

Natakot ang mga gumagawa sa Gokwe at Osbourne dam sa Zimbabwe noong 2012 matapos nilang makakita ng galit na galit na sirena.

Ayon sa mga residente, ginugulo ng tinatawag nilang mamba muntu ang mga gumagawa sa dam. Naniniwala sila na ang pagpapakita ng mamba muntu ay isang masamang pangitain kaya kahit na ang mga gumagawa ay ayaw itong tapusin.

Kumuha na ng ibang manggagawa mula sa ibang lugar para matapos ang dam dahil hindi alam ng mga ito ang kuwento. Pero kahit na sila ay hinarass din ng mga sirena sa ilog.

Nagsagawa ng ritwal ang lokal na pamahalaan upang mapayapa ang mga sirena at matuloy ang proyekto.

Noong World War II, mayroong nakitang sirena sa Kei Island sa Indonesia.

Nagpadala ng surveillance team ang mga Hapon sa lugar noong 1943 at iniulat ng team ang humanoid figure na nakita nila sa tubig.

Madalas umano itong makita sa lagoon at sa dalampasigan ng Kei Islands.

Hindi alam ng mga Hapon kung ano ang kanilang nakita kaya nagtanong-tanong sila sa mga tao sa lugar at doon nila nalaman na orang ikan o human fish ang mga ito.

Inimbitahan ng mga tao sa lugar si Mr. Taro Horiba, isang sarhento ng Japan, upang ipakita ang kanilang nahuling orang ikan.

Ito ay mayroon upang buto mula sa leeg pababa at mapulang buhok. Ang bibig nito ay katulad ng isda na mayroong matatalim na ngipin.

Matapos ang gera, nais ni Horiba na imbestigahan ng mga zoologist ang mga nilalang na ito subalit pinagtawanan lamang siya.

Mistulang naging tambayan ng mga sirena ang Mayne Island sa British Columbia noong 1967.

Isang gabi ay nakakita ang mga nakasakay sa bangka ng blonde na nakaupo sa dalampasigan. Wala itong saplot pababa at may buntot umano ito ng isda.

May nakakita na kumakain umano ito ng salmon.

Matapos ito ay maraming beses pa umano na may nakakita ng mermaid sa lugar.

Sa dami ng naging interesado sa mermaid, ang pahayagang The Colonist ay naglagay ng $25,000 para sa makahuhuli ng mermaid.

Nagpagawa pa sila ng kuwarto para mayroong mapaglagyan ng sirena na mahuhuli.

Itutuloy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.