ELLEN: ANG GUSTO KO SA LALAKI GWAPO, LOYAL, MAYAMAN AT HINAHAYAAN LANG AKO!

Lea binantaan ang mga nambu-bully sa anak: Respeto lang!

Bandera - - Front Page -

SIGURADONG matutuwa ang mga tagasuporta nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil sa wakas dininig na rin ang matagal na nilang hiling.

Yes, magsasama na nga sa isang bonggang movie sina Elmo at Janella under Regal Entertainment na ididirek ng award-winning director na si Jun Lana.

Sa Instagram account ng Regal Films, naka-post ang litrato nina Elmo at Janella kasama sina direk Jun at Mother Lily Monteverde. Sa taas nito ay ang pinaniniwalaang magiging poster ng pelikula kung saan nakalagay ang title nitong "My Fairy Tail Love Story".

Kung pagbabasehan ang nasabing poster, giveaway na ang tema ng pelikula dahil nga sa tila buntot ng sirena na nasa ilalim ng dagat. Posibleng mermaid nga ang maging role ni Janella sa movie.

In fairness, ngayon pa lang ay super excited na ang fans ng dalawang Kapamilya stars dahil talagang matagal na nilang gustong mapanood sa big screen ang dalawa.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat nila kay Mother Lily at kay Roselle Monteverde Teo. Ang balita namin magsisimula nang mag-shooting ang JanElmo next week or this coming April. Binigyan ng love advice ni Beauty Gonzales ang kaibigang si Ellen Adarna na nagiging kontrobersyal ngayon dahil sa mga sexy photos na ipinopost niya sa Instagram.

"Pray for it," ang sey ni Beauty kay Ellen patungkol sa kanyang Mr. Right. “Prayers lang 'yan. Totoo. Good things happen to good people. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na ‘You’re a goodperson. It will come toyou. Huwag kang masyadong atat. Mag-study ka muna diyan ng calculus tapos turuan mo ako after,’” hirit pa ni Beauty.

“Wish ko talaga kay Ellen is makita na rin niya 'yung lalaki para sa kanya. As a girl, 'yun naman ang pangarap namin,” dagdag pa nito.

Mismong si Ellen na ang nagsabi na mas gusto niyang mag-enjoy ngayon bilang single, "Hindi pa ako ready for a relationship. Enjoy-in ko muna iyong last year ko sa 20s. Kasi magti-30 na ako next year."

After ng break up nila ni Baste Duterte, na-link si Ellen kay John Lloyd Cruz at tinutukso rin siya sa foreign underwear model na si Pietro Boselli na umaming gusto siyang makita at makilala.

Sa huling panayamkay Ellen, ang mga hinahanap daw niya sa isang lalaki ay, “Siyempre gwapo, matangkad, loyal, mabait, thoughtful, 'yung hinahayaan lang ako, hindi seloso, mayaman. Lahat naman gusto 'yan. 'Yun naman ang dream guy mo talaga!"

Binalaan na ni Lea Salonga ang mga basher na nambu-bully sa kanyang 10 year old daughter na si Nicole.

"When you mess with my kid and make her cry, you've messed with me," ang tila warning ng international singer sa bashers ng anak.

"Let me get this off my chest. There were some fans who yesterday approached my daughter. Afterwards she ran back to me in tears, scared.

"For the most part I try to be accommodating. But when you mess with my kid and make her cry, you've messed with me. And you do not want to see me angry.

“If she develops a hatred for fans, I honestly cannot blame her. On behalf of all artists, please respect our personal space and boundaries.”

Dahil daw sa na-experience ng kanyang anak, parang ayaw na niyang umoo sa mga photo request from fans, "I may have to start refusing photo requests from fans now. Thanks a lot, you guys. I hope you're proud of what you've done.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.