Heart Enemies

Bandera - - Front Page -

Wala rin naman talagang nagawa sina Laila at Dave para pigilan ang kasal nina Nico at Charlene.

Kinabukasan ay tuloy pa rin ang kasal nina Nico at Charlene.

Si Ni co ang pinakaguwapong bulag na groom. At si Charlene ang pinakamagandang pinakasalan ng groom

Dahil nga bulag, napagtawanan pa si Nico. Nawalan ng simpatiya ang mga mahihirap na kamaganak ni Charlene at pati na rin ang ibang taong dumalo sa kasal.

Nang lumakad si Charlene patungong altar at inalalayan na siya ni Nico, kakaiba ang tanawin dahil ang groom na umaalalay sa kanyang bride patungong altar ay inaalalayan din naman ng kanyang best man.

Bulungan, bungi sngisan ang mga kaanak ni Charlene.

At p a r a namang pinaglaruan pa ng masamang laro ng tadhana, kahit may alalay na si Nico ay natalisod pa rin ito.

Sa three steps ng gi- nawang stage sa garden na ang naalala lang ni Nico ay dalawang steps lamang.

Napasinghap ng pagkaawa ang mga kaibigan ni Nico sa nabuwal na bulag. Pero ang mga salbahe at walang modong mga kaanak ng wala ring breeding na bride ay lalo pang nagbungisngisan.

Ang pari ay halatang nairita sa manners ng mga walang kuwentang bisita. Pero hindi na lang nagsalita.

Kaya ang nag-react ay ang best man na si Dave. Lalo na nang mapatingin ito kay Laila na nanlulumo sa sinapit ni Dave.

Kitang-kita ang sobrang pagkahabag ni Dave sa kanyang matalik na kaibigan. Itinayo kaagad si Nico.

At gigil na binalingan ang mga kaanak ng bride.

“Will you please behave? Kailangan bang pagtawanan ang nadapang may kapansanan? Kung hindi kayo gagalang sa okasyon na ito at sa mga ikakasal, maari na kayong umalis.”

Nagsimangutan kaagad ang mga malditang napa- galitan.

Si Charlene naman ay insultong-insulto sa ginawa ni Dave sa kanyang mga kamag-anak.

“Dave, ipagpatuloy na lang ang kasal. Huwag ka nang magalit.”

“Turuan mong maging magalang ang mga kamaganak mo, Charlene. Kahit pa ikaw ang pakakasalan ng best friend ko, wala kang karapatang hayaan na lang ang mga kaanak mong pagtawanan ang pakakasalan mo.”

Napahiya si Charlene, pinagalitan bigla ang mga kaanak. “Umalis na kayo dito sa kasal namin, pampagulo kayo.”

Nag-alisan naman ang mga kamag-anak ng bride.

“O, okay na. Maari bang ituloy na ang kasal, ha, Dave?”

“Sorry, Charlene. Salamat naman at pinahalagahan mo rin ang malasakit ko sa aking kaibigan.”

Nagdrama si Charlene. “Mahal na mahal ko ang best friend mo, Dave. Kung ang mga kamag-anak ko nga, mahal ko de lalo na ang mapapangasawa ko.”

Na- touch naman si Dave, tinapik na si Nico. “Nico, okay ka lang ba? Ituloy na natin ang seremonya?”

Tumango si Nico. At natapos ang kasal. Napatiim-bagang na lamang si Laila. Si Charlene ay waging-wagi ang ngiti. Lalo na nag-apologize pa sa kanya ang crush na si Dave.

Itutuloy ...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.