PH women’s volley team di na sasali sa Asian Under-23

Bandera - - Front Page -

PALALAMPASIN ng Larong Volleyball sa Pilipinas (LVPI) ang pagsali sa Asian Women’s Under-23 Championship na itinakda sa Mayo 13 hanggang 21 sa Nakhon Ratchasima, Thailand upang makapagkons e n t r a na l amang sa paghahanda par a sa paglahok nito sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31.

Ipinaliwanag ni LVPI acting president Peter Cayco na ang pangunahing prayoridad sa kasalukuyan ay ang pagbubuo sa pambansang koponan at maihanda ang mga napiling manlalaro na magsanay ng samasama sa loob ng natitira na limang buwan bago ang pagsasagawa ng kada dalawang taong multisports na torneo.

Upang mapabilis ang paghahanda ay nais ng LVPI na dalhin ang nationals sa labas ng bansa para magsanay ng isa hanggang tatlong beses sa Japan, Korea at China para sumailalim sa mga training camp.

“We may not join in the U- 23 anymore and just focus on the SEA Games,” sabi ni Cayco, na siyang representante ng Arellano University sa NCAA board. “We’ll just join training camps and our team is choosing training camps in two or three countries outside the Southeast Asian region.”

Huling tumapos ang Pilipinas na ikapito mula sa kabuuang 12 bansa na sumali sa unang pagsasagawa ng torneo na ginanap sa bansa dalawang taon na ang nakalipas at kabilang ito sa koponan sa Pool D sa siyam na araw na torneo kasama ang Iran, New Zealand at Malaysia.

Posibleng mapatawan ng penalty ang Pilipinas bagaman makakapagpatuloy pa rin ang torneo kahit hindi kasali ang bansa. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.