Swimming mamanduhan na rin ng POC

Bandera - - Front Page -

MAMANDUHAN din ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Swimming Inc. (PSI) katulad sa ginawa nito sa mga nagkakagulong national sports associations na bowling, billiards, baseball at wrestling.

Ito ang sinabi ni POC secretary- general Steve Hontiveros Sabado matapos makumpirma ang pagsasagawa ng isang eleksiyon para sa liderato sa asosasyon ng swimming sa Bacolod City kung saan ay naihalal na bagong pangulo ang dating national swimmer na si Ral Rosario.

“We in the POC was not informed of the election. We were told that even the reported elected president was not even a member of the recognized NSA and that the election was done to misguide the entire swimming community,” sabi ni Hontiveros.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na nakatakda itong makipagpulong ngayong Huwebes, Marso 23, sa itinalaga nitong tatlo katao na komite upang imbestigahan ang naganap na eleksiyon at tuluyang resolbahan ang krisis sa liderato ng swimming.

Sa kasalukuyan ay tanging ang secretarygeneral lamang ng PSI na si Lani Velasco ang aktibo s a pagganap s a mga tungkulin ng asosasyon habang matagal na hindi nagpapakita ang pangulo nito na si Mark Joseph. Ilang beses na rin nagpalit ng pangalan ang asosasyon at hindi pa nakakapagsagawa ng lehitimong eleksiyon. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.