Bus vs van; 12 sugatan

Bandera - - Front Page -

NASUGATAN ang 12 katao sa aksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Calauag, Quezon, kahapon ng umaga, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, Quezon police provincial director, na bumangga ang Bicol Isarog bus, na minamaneho ni Rufino Hernandez, sa paparating na Toyota Avanza van, na minamaneho ni Eusebio Landicho, sa Brgy. Doña Aurora alas-4:50 ng umaga.

Base sa i n i s ya l na i m b e s t i g a s yo n , dumadaan ang pampasaherong bus na papuntang Maynila sa pakurbang bahagi ng highway nang iokupa ng paparating na van ang kabilang linya dahilan para magbanggaan ang mga ito.

Dahil sa l a k a s ng banggaan, nahulog ang bus at bumaliktad sa kabilang bahagi ng kalsada.

Sugatan ang 10 pasahero ng bus at dalawang pasahero ng van. Dinala sila sa Saint Peter Hospital. — Inquirer, John Roson karambola ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Botolan, Zambales, kamakalawa, a yo n sa pulisya.

Namatay s i Ri c k y Dagsaan matapos bumangga ang trailer truck na puno ng beer sa tricycle na kanyang minamaneho sa Brgy. Porac alas-4 ng hapon, ayon kay SPO1 Joel Achacoso, imbestigador sa Botolan police station.

Bago bumangga sa tricycle, na may tatlong pasahero, nag-swerve ang trak sa northbound lane, dahilan para mabangga ang paparating na puting Mit- subishi L300 FB van.

Idinagdag ng pulisya na sugatan ang tatlong pasahero ng tricycle, kasama ang dalawang bata, at ang tatlong pasahero ng van. Dinala ang mga ito sa isang ospital sa bayan ng Iba.

Sugatan din ang mga driver ng trak at ng van, at maging ang helper ng trak, ayon kay Achacoso.

Nasugatan din ang isang nakamotorsiklo matapos tamaan ng mga bote ng beer na nahulog sa kalsada.

Tumagilid ang trak dahil sa aksidente.— Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.