LP tatanggalan ng puwesto sa CA

Bandera - - Front Page -

AALISAN ng puwesto sa Commission on Appointment (CA) ang Liberal Party, ang partido ni d a t i n g Pa n g u l o n g Noynoy Aquino kapag nagpatuloy ang pagkalagas ng mga miyembro nito.

Ayon kay House majority leader Rudy Farinas, upang magkaroon ng upuan sa makapangyarihang CA ang isang partido dapat ay mayroon itong 25 miyembro.

“The computation for the CA is based on party representation. So, I computed it. The party has to have at least 24 members, so they are entitled to one seat,” ani Farinas.

Lumipat sa PDP-Laban na pinamumunuan ni Pangulong Duterte ang limang miyembro ng LP kaya mula sa 32 ay 27 na lamang ang bilang ng kanilang kongresista sa Kamara.

Ang kinatawan ng LP sa CA ay si Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato.

Mayroon pa umanong mga miyembro ng LP na nakikipag-usap sa PDPLaban bilang paghahanda sa 2019 midterm elections, ayon kay Farinas.

Sinabi ni Farinas na hindi basta-basta kinukuha ng PDP-Laban ang mga nais na lumipat. Aniya, mayroon nang tinanggihan ang partido subalit hindi naman niya ito pinangalanan.

No r ma l lamang umano na lumilipat sa malakas na partido ang mga p u l i t i ko kapag midterm elections lalo ngayon na mataas ang populari ty rating ng pangulo.

Ang CA ang nagbibigay ng kumpirmasyon sa mga itinatalagang miyembro ng Gabinete ng pangulo.— Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.