PH ayaw na sa tulong ng EU

Bandera - - Front Page -

DALAWA na ang b i lyonaryo sa Senado, sina Sen. Cynthia Villar at Sen. Manny Pacquiao. KINUMPIRMA kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi na tatanggap ng anumang tulong ang Pilipinas mula sa European Union (EU) dahil umano sa pakikialam nito sa panloob na pamamalakad ng bansa.

"To enable them not to interfere with our internal affairs. We're supposed to be an independent nation," ani Medialdea. Aabot sa P10 bilyon ang taunang aid ng EU sa Pilipinas

Habang patuloy na binabatikos ng EU sa kampanya ng gobyerno kontra droga ay patuloy rin ang pagbanat ni Pangulong Duterte sa umano'y pakikialam ng grupo. — Bella Cariaso

Nananatili namang pinakamayaman si Villar sa 24 na senador base sa 2016 statements of assets, liabilities and networth (SALN).

Mul a P3.5 b i l yon noong isang taon, tumaas nang bahagya ang yaman ni Villar sa P3.606 bilyon noong Disyembre 31, 2016.

Sumunod si Pacquiao, na may P3.072 bilyon net worth. Nagdeklara siya ng kabuuang asset na P3.422 bilyon ngunit may l iab i l i t ie s na P350,595,647.

Pinakamahirap si Sen. Antonio Trillanes IV, na may P6,506,672.13 net worth kung saan pinalitan niya si Sen. Francis E s c u d e ro na s i y ang pinakamahirap noong 2015.

Nagdeklara si Trillanes ng kabuuang P16.012 milyong asset at P9.506 milyong liabilities.

Pangalawang pinakamahirap si Escudero na may P6.602 milyon net worth, mas mataas sa P5.8 milyon net worth noong 2015. Wala naman siyang utang.

Pangatlong pinakamahirap si Sen. Leila de Lima, na may P6.617 milyon. Nagdeklara siya ng P9.8 milyong asset at P3.182 milyong liabilities.

Narito ang listahan ng n e t wo r t h ng mga senador para sa 2016:

1. Sen. Cynthia Villar: P3,606,034,556

2. Sen. Manny Pacquiao: P3,072,315,030

3. Sen. Ralph Recto: P 522,610,452.59

4. Sen. Sonny Angara: P123,949,722

5. Sen. Juan Miguel Zubiri: P 121,768,713.77

6. Sen. Sherwin Gatchalian: P 92,141, 701.14

7. Sen. Grace Poe: P88,480,811.91

8. Sen. Fr a n k l i n Drilon: P 82,482,955

9. Sen. JV Ejercito: P 79,130,483.36

10. Sen. Richard Gordon: P66,928,851.46

11. S e n . Vi c e n t e “Tito” Sotto P63,800,450

12. Sen. Nancy Binay: P 60,483,437 13. Sen. Loren Legarda : P40,911,192.90

14. Sen. Panfilo Lacson: P38,703,615

15. Sen. Bam Aquino: P33,860,702

16. Sen. Alan Peter Cayetano: P24,132,490

17. Sen. Joel Villanueva: P21,519,770

18. Sen. Gregorio Honasan: P21,279,749.74

19. Sen. Aquilino Pimentel III: P17,734,400

20. Sen. Risa Hontiveros: P16,332,952.70

21. Sen. Francis P a n g i l i n a n : P9,288,108.84

22. Sen. Leila de Lima: P6,617,635.62

23. Sen. Francis Escudero: P6,602,082.09

24. Sen. Antonio Trillanes IV: P6,506,672.13 —Inquirer.net III :

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.