Hepe ng pulisya sa Metro binalasa

Bandera - - Front Page - Ni John Roson

BINALASA ng Philippine National Police ang ilang hepe nito sa Metro Manila, kabilang ang opisyal na kamakailan lang ay nasibak bilang hepe ng pulisya sa Makati City.

Mula sa pagkakasibak sa puwesto sa Makati, itinalaga si Senior Supt. Dionisio Bartolome bilang hepe ng pulisya sa Pasay City, ani Dir. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office.

Noon lang Mayo 10, pinatawan si Bartolome ng "administrative relief "matapos madakip ang apat niyang tauhan sa Makati City Police para sa pagdukot at pangongotong umano sa isang magkasintahan.

Ayon kay Chief Insp. Kimberly Molitas, napatunayan nang walang kinalaman sa insidente si Bartolome kaya binigyan ito ng bagong puwesto.

"Senior Supt. Bartolome has been cleared of any liability. As explained by [ Dir. Albayalde], officers are administratively relieved to give a freehand for any investigation. When liability is cleared, we must give assignment to officers performing well," ani Molitas.

Samantala, itinalaga si Senior Supt. Alexander Santos bilang hepe ng Taguig City Police, Senior Supt. Allen Ocden bilang hepe ng Navotas City Police, Senior Supt. Dante Novicio bilang hepe ng Muntinlupa City Police, at Senior Supt. Lawrence Coop bilang hepe ng San Juan City Police.

Ayon kay Albayalde, ang pagbalasa ay para sa "career advancement," kung saan ilang opisyal ay n a - p romote s a mas matataas na puwesto, habang ang iba ay nakatakdang magretiro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.