12 sugatan sa bakbakan

Bandera - - Front Page -

UMABOT sa 12 katao, kabilang ang dalawang sibilyan, ang nasugatan nang magbakbakan ang mga tropa ng pamahalaan at New People's Army sa Laguna at Quezon nitong Miyerkules, ayon sa mga otoridad.

Apat na kawal at dalawang sibilyan ang nasugatan nang magpasabog ng landmine ang NPA sa Luisiana, Laguna., alas-3 ng hapon sa hangganan ng mga barangay San Antonio at San Jose, ani 1Lt. Xy-zon Meneses, public affairs officer ng Army 2nd Infantry Division.

Dumadaan sa lugar ang isang team ng mga kawal lulan ng KM-450 truck at V150 armored vehicle, nang tamaan ng pagsabog ang huli.

Sugatan sina Sgt. Marvin Bagaboro, Cpl. Zaldy Lebantino, Cpl. Teejay Antonio, Pfc. Jeff Ray Gatlabayan, at Domingo Garcillas na miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit.

Sugatan ang dalawang s i b i l yan na noon ay naglalakad sa lugar.

Matapos ang pagsabog ay pinaputukan ng baril ng mga kawal ang aabot sa 10 rebeldeng nang-ambush. Di pa mabatid kung may mga nasawi o nasugatan sa mga rebelde.

Ayon kay Meneses, patungo ang mga naambush na kawal sa Lucban, Quezon, para sana magsilbing dagdag puwersa sa mga sundalo at pulis dahil sa pag-atake ng NPA doon Miyerkules ng umaga.

Nasugatan sina PO2 Aldrin Leonida at PO1 Bong Himor, kapwa ng Quezon Provincial Public Safety Company.

Unang nakasagupa ng team ni Leonida ang aabot sa 30 rebelde sa hangganan ng Brgys. Kalangay at Mahabang alas-11:45. —John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.