Tigok sa suntukan

Bandera - - Front Page -

NASAWI ang lalaki matapos na makipagsuntukan sa mga lasing dahil sa ayaw sa parking sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Vila Jr., 47, ng Sierra Monte Villas, Filinvest II, Brgy. Batasan Hills. Ayon sa ulat ng pulisya, pumunta si Vila sa tindahan upang bumili ng beer sa Aphrodite St., Sierra Monte alas-10 ng gabi. Sinita umano siya ng dalawang lalaki na nag-iinuman sa lugar dahil nakadouble park umano ito. Nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa suntukan. Naawat ang pag-aaway at umuwi ang biktima. Nakatanggap ng tawag ang pulisya kaya pumunta sila sa lugar pero naawat na ang gulo. Makalipas ang ilang saglit ay bumalik ang biktima na armado na ng patalim. Pero habang naglalakad papalapit ay bigla itong nawalan ng malay-tao at dumugo ang kanyang ilong at likod ng kanyang ulo. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.