Marcelino pinalaya

Bandera - - Front Page -

NAKAHANDA pa ring sumabak si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa operasyon kontra iligal na droga matapos muling makalaya sa pagkakakulong na bunsod ng kanyang pagsabak sa mga ganoong trabaho.

Inilabas si Marcelino sa AFP custodial center ng Camp Aguinaldo alas-5 ng hapon Huwebes, matapos iutos ngManila Regional Trial Court Branch 49 na palayain ang Marine officer at ang kasama niyang Chinese national na si Yan Yi Shou.

Nang tanungin kung anong susunod niyang gagawin matapos muling makalaya, sinabi ni Marcelino na handa siyang muling sumali sa operasyon kontra iligal na droga.

Matatandaan na kusang sumuko si Marcelino sa AFP Provost Marshall's Office nitong Enero 3, matapos iutos ng isa pang korte sa Maynila na siya ay arestuhin.

Bago iyon y nakalaya na si Marcelino matapos magpiyansa, makaraang madakip ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency kasama si Shou sa isang shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila, noong Enero 21, 2016. Mahigit P300 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa operasyon. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.