Kawal todas, parak kritikal

Bandera - - Front Page -

PATAY ang sundalo at malubhang nasugatan ang pulis sa barilan sa buy-bust operation sa Koronadal City kamakalawa ng gabi, ayon sa pulisya kahapon.

Naaresto ang tatlong suspek matapos ang shootout alas-8 ng gabi sa Brgy. San Jose, ani Koronadal City Anti-Drug Abuse Council action officer Glorio Sandig.

Kinilala ang nasawi si Private First Class Richie Librado, 41, miyembro ng 33rd Infantry Battalion, matapos manlaban sa raiding team.

Tinamaan naman si Senior Insp. Ramil Aurello, ng Koronadal City police.

Nasakote habang sabog pa sa droga sinaHerbertDeloso, 32 at Ericson Ligaya, 27, kapwa ng Brgy. San Jose; at Ronald Antay, 42, ng Brgy. Esperanza. Nakumpiska sa mga ito ang apat na sachet ng shabu at paraphernalia, at dalawang baril. — Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.