Kano may bitbit na 2 bagets, tiklo

Bandera - - Front Page -

DINAKIP ang 40-anyos na dating American serviceman matapos mag-check in kasama ang dalawang magkapatid na dalagita sa isang beach resort sa Brgy. Talisay, Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu.

Nakakulong si Jason Stone, isang retirado US Navymula sa Oregon, sa police station sa Sta. Fe habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso.

Nasa kustodiya naman ng lokal na Department of Social Welfare and Development ang magkapatid na may edad na 14 at 16, .

Nag-check in si Stone sa isang beach resort sa Sta. Fe alas-11 ng gabi kasama ang magkapatid.

Naghinala ang isang empleyado ng resort kaya agad na nag-ulat sa pulis. —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.